[MBI-TWENTY-TWO]

17.1K 349 1
                                    

[MBI-TWENTY-TWO]

LYKA'S POV 

SARAP tusukin ng tinidor! Buwesit! Mapapasubo ako nito eh. Mahilig ba talaga si Kyla sa golf? Basa ka din kasi ng memo. Shit! Gusto ko na yatang maglaho sa harapan nila. Paano kaya nalaman ng bruha na ito na mahilig si Kyla sa golf. Nagmadali na akong kumain at tumayo. 

"Are you okay?" Kyran said. 

"Oo," matipid kong sagot at tinalikuran na sila. 

Patakbo akong umakyat papasok sa kuwarto namin at kinuha ang phone ko at pumasok sa banyo. Nag-video call ako agad. 

"Lyka—" 

"Kyla! Shit!" ngawa ko at paiyak na. 

"Gusto mo yata akong makunan ha! 'Wag mo naman akong gulatin!"

Napakagat labi ako. 

"Kyla marunong kang mag-golf?" 

Ngumiti naman siya ng sobrang lapad. 

"Oh! I love playing that sports!" 

Agad na lumipad sa noo ko ang aking kaliwang palad. I'm busted!

"Bakit ba hindi ka nagbabasa ng memo!?" galit niyang segunda sa akin. 

"Sorry naman! Paano ba laruin yan?" Curious kong tanong. 

"Aish! Search mo sa youtube te, pati na ang rules at tamang way. Sino ba kasi nagyaya sa iyong mag-golf? Eh once in a blue moon lang mag-golf 'yang si Kyran." 

Napasimangot ako. 

"Si Haileyparot!" iritado kong sagot. 

Napahagalpak naman siya ng tawa. Seriously? Nakakainis iyong tawa ng pinsan ko. 

"Anong nakakatawa?" sarcastic kong tanong. 

"Haha! Grabe! Talagang pinangalanan mo pa siya! No wonder na talagang nagseselos ka! Oy si pinsan! Talagang inlababo! Haha!" 

"Tse! Nabu-buwesit nga ako sa babaeng 'yon! Tapos may extra pa, another Adones, si Landon Carter, pinsan ni Kyran." 

Nanlaki naman bigla ang mga mata niya. 

"Oh my gee! Si Landon Carter talaga? As in Landon Carter! Oh shit!" 

Napatakip ako ng tainga ko. 

"Malandi ka rin ano? Inulit-ulit mo lang 'yong pangalan niya," naiinis kong sabi. 

"Ang guwapo niya rin kasi! Haba ng hair mo pinsan ah! Napapaligiran ka ng mga guwapo!" 

"Ha-ha-ha! Ewan ko sa 'yo!" walang gana kong sagot. 

"Basta madali lang 'yan pinsan and one more thing, Landon Carter is a playboy, baka siya pa ang maging dahilan at mag-goodbye Philippines pa tayong dalawa kaya watch your moves." 

Sumaludo ako. 

"Areglado! Bye Kyla!" 

Pinatay ko na iyong tawag at lumabas ng banyo. Lumabas ako agad ng kuwarto namin at nagtungo sa library. Umupo ako sa swivel chair at nag-search agad sa internet. 
AFTER an hour, my soul was lost! Nakaka-bored naman pala itong sports na gusto ni Kyla. Inaantok tuloy ako. Isinara ko na iyong laptop at nag-stretching habang humihikab. Lumabas din naman ako agad ng library at...

"Hi Kyla." 

Napangiwi ako. 

"Hi," matipid kong sagot at tinalikuran siya. 

"Ready ka na mamaya?" tanong niya habang nakasunod sa akin. 

Ayaw ko siyang sagutin or should I say, gusto ko siyang iwasan as much as possible dahil ang bilin nga sa akin ni Kyran ay dapat lumayo ako sa pinsan niya. 

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now