[MBI-THIRTEEN]

19.4K 425 4
                                    

[MBI-THIRTEEN]

LYKA'S POV

"SOMETHING wrong?" tanong sa akin ni Kyran nang makabalik ako sa kuwarto namin.

"Ah, ha? Wala!" sagot ko sabay iling.

Bakit ko naman sasabihing nasa labas si Haileyparot? Tsk! Asa! Kinuha ko na si Ashley at ibinalik sa kuwarto niya. Tumunog naman bigla 'yong telepono pagkabalik ko kaya si Kyran na ang sumagot. Buti na lang at napaaga ang pag-uwi ng Mommy ni Kyran dahil kung hindi, siguradong mahihirapan talaga akong magpanggap. Ayaw ko rin namang makatabi 'tong kumag na 'to. Napakalikramador kasi. Tsk! Kumuha ako ng ilang damit sa closet ko at pumasok sa banyo. Magpapalit kasi ako ng damit, ang hirap kasi gumalaw kapag ganito ka eksi at fit na damit ang susuotin ko. Paglabas ko, nakasimangot na mukha ni Kyran ang bumungad sa akin.

"Honestly? I really wanted to know who's your fashion designer," kumento ni Kyran sabay labas ng kuwarto namin.

Fashion designer? Eh wala ako no'n, baka si Kyla mayroon. Napatigil ako bigla at napakagat sa index finger ko. Hala ka Lyka! mo na ba na ikaw si Kyla. Ay tanga! Kinuha ko agad iyong cellphone ko at nakipag-video call kay Kyla. Saka pumasok ako sa banyo at napasandal sa pinto.

"Oh pinsan? May problema ba?" tanong niya habang kumakain.

"Ang taba mo!" kumento ko.

"Puwede excuse? Buntis 'to te!"

Inirapan ko lang siya.

"Kyla may fashion designer ka?" panimula kong tanong.

"Yup! Bakit?" Napanganga ako at natampal ang sarili kong noo. Shit!

"Pesti naman oh! Kyla naman eh! Bakit 'di mo agad sinabi!?" ngawa ko.

"Hala! Don't tell me nagsusuot ka pa rin ng loose shirts at designer denim shorts?"

Para akong timang na napatango.

"Hindi mo ba nabasa sa memo mo? Kyran is an observant person pinsan. May sinabi ba siya?"

Again, tumango ako.

"Sabi niya he really wants to meet my fashion designer," sagot ko habang kagat ang aking ibabang labi.

"Hmp! Kapag nagtanong ulit sabihin mo nag-resign na. Alangan namang sabihin mong si Michael Cinco, eh wala sa catalog niya ang ganyang style."

Takang-taka naman akong napatitig sa kanya.

"Slow pinsan? Siya ang sikat na fashion ndesigner sa Paris, sa kanya kasi kami ni Mommy nagpapa-design ng mga damit minsan."

Napatango na lang ako.

"Pero ang hirap kasi gumalaw sa mga damit na 'yon eh!" angal ko.

Napa-isip naman siya saglit.

"'Di ba may mga dress akong binili sa 'yo? Okay na ang mga 'yon!"

Napa-isip din ako saglit. Oo nga 'no! Ang dami nga sa closet ko.

"Ang heels?" sabi ko ulit.

"'Wag stiletto heels 'yong suotin mo kasi wala ka naman sa fashion show, 'yong hindi pointed, tapos 'yong make up? Okay na 'yan, natural beauty ika nga, konting lipstick lang 'yan, tapos kapag naglakad ka dapat with poise, tapos kung makikipag-usap ka naman kay Kyran dapat mag-conyo ka rin minsan," paliwanag niya.

Heels lang naman tinanong ko, bakit ang daming etchos!

"Anong conyo?" curious kong tanong.

Napasimangot naman siya. Sorry naman! Wala 'yan sa bundok namin!

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now