[MBI-FIFTY]

18.4K 391 6
                                    

[MBI-FIFTY]

LYKA'S POV 

HALOS mabuwal ako sa pagkakatayo ko kanina. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin na nagbibiro lang ako. Gusto kong sabihin sa kanya na ayaw kong mahiwalay sa kanya pero hindi ko magawa. Gusto kong ipagsigawan na mahal na mahal ko siya. Nasaktan ko si Kyran at walang ibang puwedeng sisihin kundi ako lang. Nanlulumo akong napaupo sa sahig. Sa sobrang sakit, parang ang sarap magpatiwakal. Ang hirap mamili pero wala rin naman akong takas. Mahal ko si Kyran at mahal ko rin ang pamilya ng pinsan ko. Ayaw kong mapahiya sila. Patawarin sana ako ng Diyos sa kasalanang nagawa ko. Biglang nagrehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. 

 "I won't give you that goddamn freedom!" 

Ganoon siya kagalit sa akin. Mas lalo akong napahagulhol. Mahal na mahal niya nga talaga ako. At ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa akin ng ganito katindi pero 'yon nga lang ay nasa maling paraan naman ang pag-eksena ko sa buhay niya. 

Dinampot ko agad ang cellphone ko nang mag-ring ito.

"He-Hello?" nahihirapan kong sagot.  

"Naiinip na ako!" Napahigpit ako ng hawak sa phone ko.

"Puwede ba! Aalis na ako! Kaya tuparin mo ang pinag-usapan natin!" humihikbi kong sagot.  

"Sure! Bye! Haha!" Agad din naman nitong pinatay ang tawag.

"Buwesit ka talaga Hailey!" sigaw ko sa kawalan at pinag-aapakan ang phone ko.  

Halos wala na akong luha na mailuha dahil sa sobrang sakit. Pinilit kong tumayo. 

"Ma'am Kyla? Hala! Ano po ang nangyari!?" bungad sa akin ng katulong ko.  

"Si K-Kyran? Nasaan?" malungkot kong tanong. 

Inalalayan niya akong maupo sa kama. 

"Matapos niya po magwala sa library ay umalis po siya," paliwanag niya.  

Umiiyak pa rin akong tumango. 

 "Paki-empaki lahat ng gamit ko," utos ko. Gulat pa siyang napatulala sa harap ko. 

"Ngayon na!" madiin kong utos.  

Agad naman siyang tumalima at tinawag ang iba ko pang katulong. 

MAKALIPAS ang ilang oras ay natapos sila agad sa pag-eempaki at agad ko itong ipinasakay sa taxi. Konti lang naman ang mga gamit kong dinala, 'yong puro importante lang.  

"Ma'am Kyla? Aalis po kayo? Alam ba ni Master Kyran 'to?" bungad sa akin ni Jeffrey. 

Umiling ako. "Hindi. Pakiusap Jeffrey, hayaan mo na lang ako," sagot ko.  

"P-pero—"  

Niyakap ko na lang siya. 

"Pakiusap," sumamo ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.  

Napabuntong-hininga na lamang siya. 

"Mamimis kita Jeffrey. 'Wag mo sanang ipagsabi kay Kyran itong pag-alis ko," umiiyak kong sabi. 

Wala siyang nagawa kundi ang tumango. Mapait akong ngumiti at pinagmasdan munang mabuti ang kabuuan ng bahay. Napahugot ako ng malalim na hininga at pinahiran ang mga luha ko.  

"I think, this thing belongs to you."  

Napabaling ako kay Jeffrey at may inabot siyang sobre sa akin.  

"Kanino galing?" taka kong tanong.  

Hindi niya ako sinagot at ngiti lang ang itinugon niya sa akin at tuluyan nang pumasok sa loob. Isinilid ko na lang 'yong sobre sa bag ko at pumasok na sa taxi.  

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now