[MBI-FORTY-SEVEN]

15.8K 317 0
                                    

[MBI-FORTY-SEVEN]

LANDON'S POV 

"LANDON!" 

Napatakip ako ng unan! Ang ingay! 'It's your fault, you handcuff her!' Buwesit na kunsensiya! Hinila-hila niya naman 'yong unan. 

"Landon!?" ngawa niya. 

Napabalikwas ako ng bangon. 

"Bakit ba!? Puwede ba magpatulog ka naman! May jetlag 'yong tao!" inis kong sabi. 

"Tanggalin mo na kasi 'to!" tukoy niya sa posas. 

"Ayoko! And don't ask me again why!" sagot ko. 

"I won't do anything stupid! Please!" Napasimangot ako. 

"Knowing you? Tsk! Never!" 

Bumalik ako ng higa at nagtalukbong ng kumot. 

"Landon!" 

Bumaling ako sa kabilang puwesto. 

"Landon!" 

Aish! Bumangon ako ulit at hinarap siya. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at puwersahang inihiga sa kama tapos dinaganan ko siya. 

"Landon—" I kissed her. 

"Shut up!" madiin kong sabi. 

I get back to sleep again pero para yatang nawala ang antok ko. Nanatili lang akong nakapikit at umaktong mahimbing ang tulog. Ilang minuto lang ay naramdaman kong niyakap niya ako bigla. 

"Landon, I'm sorry... For everything," she said. 

I know she was so sorry because she can't love me back and that's bullshit! Umalis ako sa pagkakadagan sa kanya at kinuha ang susi sa bulsa ko. Tinanggal ko ang posas niya. Takang-taka naman siyang napatitig sa akin. Mataman ko lang din siyang tinitigan at lumabas ng guest house. I walk mentally black headed to the mini lake and sat down on the bench. Napabuntong-hininga  ako. 

Sana naging dalawa na lang ang puso ni Hailey. Kainis talaga! Napasuklay ako ng buhok gamit ang mga daliri ko. Napakunot noo akong napatingin sa kabilang dako ng mini lake. Ang pinsan ko at si Kyla, nagpi-picnic kasama ang pamangkin ko. So sweet and charming family that my cousin have. Sana maging ganyan din ang future family ko, 'di ba? Tsk! But being with Hailey, it's really a big chaos! 

"Sir Landon? Nakita niyo ho ba si ma'am Kyla?" hingal na hingal na bungad sa akin ng katulong. 

"Yeah, over there." Itinuro ko ang kinaroroonan ni Kyla. 

"Salamat po, Sir." Tumango lang ako. 

Kumaripas naman siya agad ng takbo papunta kina pinsan. Ano kaya ang problema? Nakita ko namang nagtungo sila Kyla papunta ng gate. Siguro may naghahanap sa kanya. 

"What's with that noise?" sabi bigla ni Hailey. 

Tumayo ako agad at hinila siya. 

"None of your business," sagot ko. 

Bakit ba siya pa ang minahal ko. Buhay nga naman oh!

LYKA'S POV 

"ANO ba nangyari?" taka kong tanong. 

"Nandito na naman po kasi 'yong babaeng naghahanap po sa inyo noong isang araw." 

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Agad akong nagmadali. Buti na lang at hindi sumama sa akin si Kyran. Nang makarating kami sa may gate ay nandoon nga ang madrasta ko. 

"Ayaw talaga papigil ma'am," sumbong sa akin ng guwardya. 

"Ako na ang bahala. Iwan niyo muna kami," utos ko. 

Huminga ako ng malalim at nakipagtagisan ng tingin sa madrasta ko. 

"Wow! Nandito ka lang pala! Big time ka na ngayon ah! Tama nga ang sabi ng anak ko, mayaman ka na!" litanya niya. 

"Ano ba kailangan mo?" madiin kong sabi. 

"Wow! Ang yabang mo na ah! Porke't mayaman ka na ginaganyan mo na ako! Hoy babae! Ako nagpalaki at nagpa-aral sa iyo!" 

Kumulo dugo ko sa narinig ko mula sa madrasta ko. Ang sama talaga ng ugali niya.

"Kung makaako ka ng responsibilidad sa akin, wagas! Hindi ikaw ang nagpa-aral sa akin dahil pera 'yon ng papa ko! Oo nga't ikaw ang nagpalaki sa akin pero ni minsan ay hindi ko naramdaman na naging ina ka sa akin! Tinrato mo ako na para bang isang alila! Sa tingin mo ba, tatanawin kong utang na loob ko sa iyo 'yon? Puwes! Diyan ka nagkakamali!" 

Inakma niya naman akong abutin kaya umatras ako ng konti. Nasa labas pa rin naman kasi siya ng gate. 

"Ang kapal ng mukha mong babae ka! Yumaman ka lang! Makaasta ka ay parang diyosa!" 

Napataas ako ng kilay. 

"Mawalang galang na pero ano ba ang ipinagpuputok ng butsi niyo? 'Wag niyo sabihing hihingi kayo ng pera sa akin dahil nag-abala pa talaga kayong hanapin ako," mataray kong sabi. 

"Aba! Sumusubra ka na ah!" 

Napaismid ako. 

"Kung wala na kayong sasabihin ay maaari bang umalis na kayo," madiin kong sabi. 

Tumalikod na ako. 

"Hoy babae ka! Wag mo akong talikuran!" sigaw ng madrasta ko. 

Humarap ako sa kanya at mataman akong ngumiti ng sobrang lapad. 

"Kung sa tingin mo ay tuluyan nang natapos ang pension ni papa ay diyan ka nagkakamali. Nakapangalan na sa akin ang mga dokumento kaya wala ka nang karapatan doon." 

Tumalikod na ako ulit at tuluyan nang naglakad palayo. 

"Magbabayad ka sa akin Lyka!" 

Napatigil ako dahil sa sigaw ng madrasta ko na siya ring pagbungad ni Kyran sa harap ko. 

"What happened?" 

Umiling ako at hinila na palayo si Kyran. 

"Nasaan si Ashley?" pag-iiba ko ng usapan. 

"With her maids," matipid niyang sagot. 

Kumunot naman bigla ang noo niya. 

"Bakit?" kinakabahan kong tanong. 

"Why is that old woman calling you Lyka?" 

Napako ako bigla sa kinatatayuan ko. 

"'Yon ba? Wala 'yon! H-hindi ko siya kilala. Tara na." 

Umuna akong lumakad sa kanya. Parang gusto ng sumabog ng puso ko sa sobrang kaba. Nilingon ko ulit si Kyran. Nakapamaywang lang siya at kunot noong napatingin sa akin. Diyos ko po! Sana hindi niya mahalata. Nanginginig na ang mga tuhod ko nang  lumapit ako sa kanya. Ano ba gagawin ko? Bahala na nga lang! Nang tumapat na ako sa kanya ay tumingkayad ako at panakaw ko siyang hinalikan. Halata sa mukha niya ang gulat dahil sa ginawa ko pero agad naman siyang nakabawi at siniil ako ng halik pabalik. 

"Pretty silly woman," nakangiti niyang sabi. 

Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at umepekto 'yong ginawa ko, sana nga. Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa mansion. Alam kong nagsisimula ng magtaka si Kyran pero kailangan ko pa ring umakto na para bang wala lang. Pero sa totoo lang ay para nang winawasak itong puso ko sa sobrang sakit. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang totoo pero natatakot ako sa anumang puwedeng kahihinatnan nito. 

"Are you okay?" May pag-aalala sa tono niyang tanong sa akin. 

"O-Oo naman," nag-aalangan kong sagot pero pinilit kong ngumiti. 

Bahagya naman siyang ngumiti pero nakikita ko pa rin sa mga mata niya na may pagdududa talaga siya sa akin. Napahinto ako at humarap sa kanya. 

"Gaano mo ako kamahal?" lakas loob kong tanong. 

Hinapit naman niya ako at niyapos ang mukha ko. 

"Higher than the Milky way?" 

Oh my god! Ako na ang mahaba ang buhok! Nagawa ko pa talagang lumandi. Niyakap ko lang siya at hinalikan sa labi ng mabilis. Mahal na mahal kita Kyran.

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now