[MBI-TWENTY-FOUR]

17.1K 404 1
                                    

[MBI-TWENTY-FOUR]

LYKA'S POV 

NAIWAN yata ang kaluluwa ko. Itong puso ko naman, parang feeling ko lumabas din sa sobrang kaba tapos ang mga tuhod ko, kulang na lang saklay dahil sa sobrang manhid at ang mga kamay ko, dinaig pa ang Antarctic Ocean sa sobrang lamig at pawis. Tapos ang tinanong niya lang? Are you okay? May okay bang ganoon!? Pero umakto akong deadma at wala lang. Kayo kaya sa posisyon ko, sa tingin niyo, kere? Kaya kailangan kong umaktong okay lang ako pero ang totoo? Nakakatakot kaya si Kyran, kulang na lang mag-super sayan three siya. Napaisip naman ako ng konti at napatitig sa kanya. Ano kaya itsura niya kapag mahaba na 'yong buhok niya. Magmumukha siyang Midnight Phantom. Ang guwapo!

"Why are you blushing?" 

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. 

"Ha? Ah wala! Ang init lang siguro. Oo, tama! Mainit!" hindi magkandaugaga kong sagot. 

"The aircon is on Kyla and as you can see it's really set in a high cool temperature," sagot niya. 

Napangiwi ako habang nakatitig sa aircon ng sasakyan sa harapan namin. Naka-set nga siya. Pilit akong ngumiti sa kanya at marahang hinila ang strands ng buhok ko. 

"Ang tanga mo talaga Lyka!" bulong ko sa sarili ko. 

Binaling ko na lang sa labas ang tingin ko. Nakakailang na tuloy. 

NANG makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba sa kotse at patakbong umakyat sa itaas at pumasok sa kuwarto namin ni Kyran. Pabagsak akong nahiga sa kama habang ang mukha ko'y nakasubsob din sa unan. Ang tanga ko talaga! Buti na lang at hindi nila napansin na wala pala akong kaalam-alam sa paglalaro ng golf bagkus ay panay pa ang pagstamba ko sa pagtira. Lalo na no'ng inalalayan ako ni Kyran. Kinilig talaga ako ng sobra no'ng time na 'yon pero sa kalagitnaan ng paglalaro namin ay bigla na lang nag-iba ang aura niya, tapos nagyaya na lang bigla na umuwi. Tinopak na naman siguro 'yon. Napatihaya ako at napahilamos ng mukha. 

"Kyran! Kyran! Ugh!" wala sa katinuan kong sambit. 

Mahal ko na yata siya. In denial pa rin? Fine! Mahal ko na siya. Pero hindi ito tama eh! Kasi 'di ko siya dapat puwedeng mahalin kasi hindi naman ako ang totoong Kyla, si Lyka ako. 

"Kyran naman eh!" sambit ko ulit. 

"Why are you keep calling my name?" Napabalikwas ako ng bangon. 

"Ha? Ah? Eh? Oh? Ahm—" 

He half smirked at me. 

"Don't try to recite the vowel letters Kyla, it sucks!" walang gana niyang sagot at pumasok sa banyo. Napahilamos ako ng mukha at sinampal ang sarili ko sabay sabunot. 

"Ang tanga!" bulong ko. 

Mga ilang minuto din bago lumabas si Kyran at halos mariin akong napalunok. Salivating! 

"O-oy!? Magbihis ka nga!" naiilang kong utos. 

Ang hilig niya talagang ibalandra 'yong katawan niya sa harap ko. Nakaka-tense! Hindi niya ako pinansin tapos tumihaya pa siya sa kama. Umusog naman ako ng konti. Tinakip niya 'yong braso niya sa mukha niya at pumikit. Ano na naman kaya ang problema niya. Ako naman 'tong si tanga ay lumapit din. Pinagmasdan ko siya habang nakaganyan ang ayos niya. Nasagi sa isip ko kung tama ba talagang mahalin ko siya, may karapatan ba akong mahalin siya? Oo nga't masaya ang pinsan ko na mahal ko na si Kyran pero ang malaking tanong ko sa sarili ko ay kung hanggang kailan ako magpapanggap, hanggang kailan ako magkukunwari. Mahirap sa akin ang ganitong sitwasyon, pilitin ko man sigurong iwasan ito ay wala rin namang mangyayari. Habang tumatagal ay mas lalo lang akong natatakot sa mga pinag-gagagawa ko. Natatakot akong maghukay ng sobrang malalim dahil baka mabaon na ako at hindi makaalpas. Napahilamos ako ng mukha ko at tumabi sa kanya ng higa habang nakaharap sa kisame.
I keep on reminded on this line. 'Ang kalokohang sinimulan ay laging natatalo at natatapos ng katotohanan'. Malungkot pero totoo. Napatakip ako ng mukha. Ano ba ang gagawin ko? Ang hayaang mahalin siya ng lubusan? O ang tikisin ang nararamdaman kong ito. Ang gulo! Tumagilid ako at niyakap iyong isang unan pero para yatang ginawa din akong unan nitong katabi ko. 

Bakit niya ako niyayakap? Ramdam ko tuloy ang matipuno niyang katawan, pati lahat ng muscles sa katawan niya. Wooh! At ito na naman ang puso kong nagwawala at kumakabog ng todo! Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Hindi naman iyong tipong mababali ang mga buto ko. At ito pa ang matindi! Isiniksik pa niya ang mukha niya sa leeg ko at ramdam na ramdam ko ang banayad niyang paghinga. My god! Ni hindi ko magawang magreak o mangsita man lang sa ginawa niya. Para akong na statue of liberty. Err! 

"Hmm," ungol niya. 

Ah! Pigilan niyo ako! Talagang gusto ko nang tumili dahil sa kinikilabutan ako sa pagdampi ng hininga niya sa leeg ko. May scotch tape kayo? Pahingi! Iniangat ko na lang konti 'yong unan at kinagat ang dulo. Langya! Nagmumukha akong abnormal sa pinag-gagagawa ko. 

"Hmm," ungol niya ulit. 

"Kyran—" 

Napatigil ako sa ere dahil may ibinulong siya bigla pero 'di ko narinig, hanggang sa...

"Mahal kita... Emily," bulong niya. 

Para akong binuhusan ng sandamakmak na yelo dahil sa narinig ko. Dinaig ko pa ang nag-ice bucket challenge sa sobrang lamig ng pakiramdam ko. Parang winawasak ang dibdib ko nang dahil sa narinig ko. Ang sakit pakinggan iyon mula sa kanya kahit na tulog siya. At itong sakit na ito ay sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naranasan. Sa sobrang sakit, pakiramdam ko'y hindi na ako makahinga. Naramdaman ko na lang na may namumuo ng luha sa mga mata ko. Mahal pa rin niya si Emily. Aminado rin akong nasaktan ako. Alam ko, umasa ako ng walang kasiguraduhan. Siguro nga'y masiyado lang akong umasa na mamahalin niya din ako. Bakit kasi ang dali kong nahulog sa kanya. Hayan tuloy umiiyak na itong puso ko. 

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now