[MBI-TWENTY-FIVE]

16.6K 326 1
                                    

[MBI-TWENTY-FIVE]

LANDON'S POV 

"LINTIK naman oh!" iritado kong sambit. 

"Imbes na magalit ka diyan! Itulak mo na lang kaya ito!" 

I mimic what she said. Sinipa ko iyong gulong ng kotse ko. 

"Buwesit!" bulong ko. 

Kapag minamalas ka nga naman oh! Na-flatan na nga ako ng gulong may extra asungot pang kasama. Hindi ko na tuloy naabutan si pinsan. Ang bilis niyang mag-drive. 

"Ano ba Landon!? Do something!" 

Lumapit ako sa kanya. Nasa loob kasi siya ng kotse ko at printeng-printeng nakaupo sa shotgun seat. 

"Alam mo ikaw? Panira ka ng araw eh!" I am so pissed! 

Inirapan niya lang ako at isinirado ang pinto ng kotse ko. Kinuha ko ang phone ko at nagpatawag ng kukuha ng sasakyan ko. Matapos kong tumawag ng toll serviy ay naglakad na ako para maghanap ng taxi. 

"Landon! Come back here! Ugh!" tawag sa akin ni Hailey. 

"Come back here mo mukha mo!" sigaw ko pabalik sa kanya. 

Kinuha ko sa bulsa ko iyong susi ng sasakyan at ini-automatic lock ang sasakyan ko. Just incase lang para hindi manakaw ang ibang gamit ko na nasa kotse. Kabanas talaga siya! Ano na kaya ang ginagawa ng Kyla my loves ko ngayon. Okay! I know what you are thinking guys but I really liked her. So damn good to be true! I know it's really wrong dahil asawa siya ng pinsan ko but you guys cannot really blame my heart for falling in love on her. 

"Ano ba Landon! Wait for me!" 

Aish! Napalingon ako sa kanya. 

"You walk like a turtle! Jeez! Dapat kasi hindi ka sa akin sumabay!" naiirita kong sabi. 

"Are you blind! Kyran left me here! I have no choice too! Kasalanan ko bang maiwan dito!" 

"Whatever!" walang gana kong sagot. 

Nagmadali na akong naglakad hanggang sa makarating kami sa sakayan ng taxi. Umuna akong pumasok agad. 

"Hoy! Pasok na!" tawag ko kay Hailey. 

Nanatili pa rin kasi siyang nakatayo sa labas ng cab. Ugh! Mas mabuti pa siguro kung aso iyong kasama ko ano? Kaysa sa kanya. Padabog kong binuksan ang pinto at hinila siya papasok. 

"Ouch! Dahan-dahan naman!" 

"Tsk! Daming arte!" 

Umusog ako ng konti. Kabanas 'tong araw na 'to! Ang malas ko talaga! 

"Gusto mong mapasayo si Kyla?" nakangiti niyang tanong bigla. 

"Huwag kang makialam!" madiin kong banta sa kanya. 

"I can see you like her so much Landon. I can help you if you will help me too na maging kami ni Kyran." 

What the heck!?

"Are you nuts? I'm not yet crazy para makipag-join forces sa 'yo!" sagot ko. 

Baliw na nga siya. Hindi naman ako ganoon kasama para gawin 'yon. I am still willing to wait not doing by hook or by crook. 

"Please Landon? Pareho naman tayong makikinabang," sabi niya. 

Napakunot noo ako. 

"Like the way you used me before? And dumped me, like as if you never cared when I got wasted? Now, do you think? You can control me again? Fuck that stupid plan you have!" 

Padabog ako agad na lumabas ng taxi nang makarating kami sa mansion. You guys surprised right? Pareho naming kababata ni pinsan si Hailey. Hindi ko lang iyon inaamin sa ibang tao na magkakilala kami. The truth is? She's actually my first love but she just used me para mapalapit sa pinsan ko. Kaya ako naging playboy ay dahil sa kanya 'yon. Kaya kahit mali ay pinipilit ko pa din ang sarili ko na si Kyla ang first love ko kahit na ang totoo ay hindi. But I still liked Kyla. Bahala siya sa buhay niya! Kaasar! 

HAILEY'S POV 

HE caught me off guard. I bit my lower lip. Hanggang ngayon ay talagang galit pa rin siya sa akin. Obvious naman. Aminado rin naman akong totoo ang mga sinabi niya pero hindi totoong 'di ako nag-alala sa kanya, na wala akong pakialam. May pakialam ako sa kanya pero hindi ko lang magawang ipakita 'yon. Ayaw ko rin siyang saktan. Mas... Mas gusto ko lang talaga si Kyran noon at hanggang ngayon.
Pumasok na ako sa loob ng guest house. I saw him standing at the veranda, looking at the room where Kyla and Kyran are. Napakuyom ako ng kamay ko. I'm sorry Landon. Pumasok ako sa kuwarto ko at hinagilap ulit 'yong files ni Kyla. That bitch is really giving me an headache. She's too smooth playing so nice a while ago. Inaalalayan pa siya ni Kyran kanina. Nakakaselos ng sobra! First plan screwed up! Binuklat ko na ang folder at binasa ulit. 

"She's good in cooking huh?!" I said to myself. 

Nagbasa ako ulit. Hmm? Gotcha! Ang dami naman niya pa lang kahinaan. Good to know all about this. Tumayo na ako at lumabas ng kuwarto ko. Saktong pagbukas ko, lumabas din si Landon sa kuwarto niya. He's freaking... Oh! Nothing! Inirapan ko na lang siya at nagtungo sa veranda. Kailangan kong mag-relax para may lakas ako bukas.

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now