[MBI-FOUR]

21.1K 456 4
                                    

[MBI-FOUR]

LYKA'S POV 

HETO ako ngayon sa harap ni Kyla at hilong-hilo sa kakatingin sa kanya dahil sa paroon at parito niyang lakad. No'ng araw na na-confined siya ay na-discharged ito agad sa hospital matapos sabihin ng doctor na maayos na ang kalagayan niya. Kaya heto siya sa harap ko, sobrang energetic at parang guro kung maka-lecture sa akin. Napepesti 'yong utak ko dahil ni isang sentence sa mga sinabi niya ay wala akong maintindihan. 

"Stop!" awat ko habang itinataas 'yong dalawang kamay ko sa ere. 

"Oh bakit?" taka niyang tanong. 

Inabot ko sa kanya 'yong cellphone kong bagong bili ni Tita Helen. Kailangan kasi may props. 

"Ano gagawin ko dito?" 

"Save mo diyan sa memo lahat ng hobbies mo. Ikaw na mag-type dahil tinatamad ako," nakabusangot kong sabi. 

Inirapan niya lang ako at nagsimula na siyang mag-type habang kinukopya 'yong mga nakasulat papel. Ilang oras lang ay natapos naman siya agad. Inabot niya sa akin 'yong phone ko at tiningnan ko ito. 

"Bilis mag-type ah!" 

"Ako pa. Umayos ka na kasi, ito na 'yong exciting part," tuwang-tuwa niyang sabi. 

Hindi na lang ako umimik. Binuklat niya na 'yong folder. 

"Ang groom mo ay si Kyran Liam Eidenberg, twenty-nine years old at C.E.O ng Airvoice Company na nakabase sa Italy. Iyong main ang tinutukoy ko, siya rin ang may-ari. May kumpanya naman siyang pinapatakbo din dito kaya lang ito lang 'yong branch. Half Italiano, half Filipino. Isang bilyonaryo si Kyran at maimpluwensiyang tao pagdating sa negosyo. 5'10 ang taas at maagang na biyudo dahil namatay ang asawa niya matapos ipanganak ang anak niyang si Ashley na ngayon ay one year old na." 

Tumigil na siya sa pagsasalita. 

"Iyon lang?" taka kong tanong. 

"Yup, ay mayro'n pa pala, sobrang guwapo din at bachelor na bachelor ang dating pero kung titingnan mo siya na hindi suot ang mamahaling mga coat ay magmumukha siyang boy next door." 

Napakagat labi ako. Parang nanliit ako sa sarili ko. Ang dami pa rin pa lang Adones sa mundo. Bahala na si Superman. 

"Tayo na Lyka, oras nang magpraktis!" 

Nailing lamang ako. Isinuot ko na iyong high heels. Paika-ika akong naglakad. Hindi ako sanay eh. 

"Lyka wag kang yumuko! Straight dapat ang lakad mo! With poise dapat!" coach pa sa akin ni Kyla. 

"Oo na!" 

Inayos ko na ang tindig ko pero wa epek pa rin dahil 'di ako makapag-concentrate ng maayos. Kinakabahan ako sa lalaking 'yon kahit 'di ko pa siya nakikita. 

"Oh para saan yan?" tukoy ko sa makakapal na libro. 

"'Pag 'di ka umayos, ilalagay ko ito lahat sa ulo mo." 

"Ano!?" 

"Bingi lang?" 

Inirapan ko siya. 

"Kung 'di lang kita mahal talagang nag-back out na ako." 

"Mahal din kita kaya umayos ka na!" 

Ugh! This time inayos ko na ang lakad ko pati na ang pananamit at pagma-make up. Sisiw! 

"Galing ah!" puri niya pa sa akin. 

Dinilaan ko lang siya at nagpalit na ng damit. Dito na kasi ako nakatira sa bahay bakasyunan nila sa Davao. 

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin