[MBI-SEVENTEEN]

17.2K 389 2
                                    

[MBI-SEVENTEEN]

LANDON'S POV 

I WAS sitting in the swivel chair while playing on the laptop when my cousin entered. 

"Pinapakialaman mo na naman 'yan," sabi niya sa akin. 

"Woah! Chill dude!" 

Isinara ko na ang laptop niya at lumipat sa pag-upo sa sofa. 

"What brought you here, huh?" seryosong tanong sa akin ng pinsan ko. 

"I guess, I should meet your new wife, hindi ko siya nakilala no'ng dumalo tayo sa party," sagot ko. 

He smirked at me. Magkaiba talaga kami ng ugali ni Kyran. 

"Kung talagang mapilit ka then fine! She's in the pool, I think," sagot niya at lumabas na kami ng opisina niya. We headed at the porch where we can see the pool area of his mansion. 

"Kyla! Please come over here!" tawag ni pinsan doon sa asawa niyang nakahiga sa sun lounge. 

She's really freaking hot! Kahit nasa malayo siya ay talagang litaw na litaw ang pagka-sexy niya. Napailing ako, knowing my cousin, talagang pareho kami ng taste pagdating sa babae. 

"Lucky man, huh?" natatawa kong kumento sa kanya. 

"Tsk! I don't think so." 

Napailing na lang ako. Iyong asawa naman niya ay pumasok na dito sa loob. 

"How's Ashley?" tanong ko. 

"Enjoying to her new Mommy," nakangiti niyang sagot. 

I guess, my cousin married the right woman and chose the right mother for Ashley. Bumalik kami nang pasok sa loob at bumababa sa sala. Kyran and I sat on the sofa. I was about to say something when someone interferes. 

"Kyran, bakit?" tanong ng asawa ng pinsan ko. 

Nakatalikod kasi ako kaya hindi ko nakita ang mukha niya. 

"Come," 

Tinapik ni pinsan ang upuan, indicating that he wants her wife to seat beside him. Lumapit naman agad ang asawa ng pinsan ko at umupo. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. 

"I-ikaw?" gulat kong sabi. 

Nagkatinginan naman silang dalawa. 

"Why coz? Have you met my wife before?" takang tanong naman sa akin ng pinsan ko. 

"Ahm no, I just thought that she was my long time childhood friend, they really look a like," pagsisinungaling ko. 

Damn! The girl whose giving me sleepless night is in front of me now and worst? She's Kyran's wife! My cousin. Fuck! Damn it! Tumunog naman bigla ang phone ni pinsan. 

"Excuse me for while," paalam niya. 

"Ahm, coz I have to go now, I forgot that I have a meeting today," pagdadahilan ko pa pero ang totoo, wala! 

"Okay. Honey pakihatid muna ang pinsan ko, please?" baling ni Kyran sa asawa niya.

"Sure." 

Tumayo ako agad nang makapasok na ang pinsan ko sa opisina niya. Hinila ko naman agad ang asawa ng pinsan ko palabas ng bahay.

"Oy! Teka! A-ano ba!?" angal niya, kaya binuhat ko na lang siya. Dinala ko siya malapit sa kuwadra ng mga kabayo. 

"Oy! Ano ba!?" Ibinaba ko siya. 

"Now we're alone," nakangiti kong sagot. 
Napaatras naman siya.
"Baliw ka na ba!? Bakit mo ako dinala dito!" 

I smirked. 

"Don't you remember me?" Umiling naman siya pero napa-isip din naman siya saglit. 

"Tama! Ikaw 'yong kapreng bumangga sa akin!" sabi niya bigla. 

Natampal ko ang noo ko.  

"Err! Sa guwapo kong 'to? Kapre lang! I know, I'm tall but not a beast!" hindi ko makapaniwalang sabi. 

"Tsk! Diyan ka na nga! Isa ka ring may topak eh!" 

Tinalikuran niya na ako but I am Landon Carter. No woman can't turned their back on me. Hinapit ko siya sa kanyang baywang, iyong tipong dikit na dikit. I can really see she is blushing. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. I really have this urge to kiss her. I was surprised na 'di man lang siya nagreak at ngumiti pa ng sobrang lapad sa akin. Damn! I think I'm going to melt! Landon get back to your senses! Asawa siya ng pinsan mo! My mind interferes. Aish!
Bigla naman niya akong itinulak at sinipa ang binti ko. 

"Ouch! What's that for!?" daing ko. 

"Manyak! Magpinsan nga kayo!" she said at tinalikuran na ako ng tuluyan. 

Pinilit kong habulin siya pero ang sakit talaga ng binti ko. Ang sakit niya manipa! Parang kabayo! Pero deep inside of me is somehow happy but at the same time, pissed! Nakilala ko nga ang dream of my life ko pero asawa naman siya ng pinsan ko. Asar! Tadhana nga naman. Ako pa talaga ang pinaglaruan at shockingly na first time ma-in love ang isang kagaya kong playboy. Sounds corny, right? Tsk! May araw ka rin sa akin Kyla. Now that I know where you live, mukhang mapapadalas na ako dito. I fix myself and headed back to my car. 

"Hey Landon!" masayang salubong sa akin ni Hailey. 

"I am so surprised to see you here!" wala sa mood kong sagot. 

Ano na naman kaya ginagawa niya dito? 

"Don't be so rude Landon. I'm staying here for a week or maybe more," she said confidently. 

"Oh really? Head over heels ka pa rin pala sa pinsan ko? Tsk! Tsk! Have you ever tried to look at yourself in the mirror and asked, Am I not deserving for him? Well, I must say you're not!" sabi ko at agad na pumasok sa kotse ko saka pinasibad.

I saw her face in the side mirror that she was so pissed. Tsk! Wala pa rin siyang ka dala-dala.
I'm not saying I am clean too pero ngayon lang ako na-in love so my conscience should give me a break. I don't care if Kyla is already married to my cousin. Besides, until now, I still remember what Kyran said to me, that words became his motto by the way. He don't need a lover, only a mother to his daughter.

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon