[MBI-EIGHT]

19.2K 440 4
                                    

[MBI-EIGHT]

LYKA'S POV 

 "MA'AM Kyla?" 

 "'Yong kiss?" Wala sa katinuan kong sabi.

 "Po?" 

 Nabalik ako sa katinuan ko. 

 "Ahm ha? May sinasabi ka?" tanong ko ulit. 

 "May ipapagawa pa po ba kayo?" 

 Umiling ako. Nasa kusina kasi ako at nagba-bake ng cake. Bakit ba lagi ko naiisip 'yong kiss? It was just purely an accident! Aish!

Matapos kong mag-bake ay tinawag ko lahat 'yong katulong at ipinatikim ko sa kanila isa-isa ang ginawa ko. Iniisa-isa ko din silang pinagtatatanong sa rules at regulations dito sa bahay pati na din ang tungkol sa dating asawa ni Kyran. Nalaman ko ding totoo nga na namatay sa panganganak si Emily, ang dating asawa ni Kyran. Ang dami pa nilang sinabi tungkol sa ugali ni Kyran. Tinanong ko din isa-isa sa kanila ang tungkol sa mga buhay nila. At paano ko nagawa 'yon? Wala kasi ang mabait kong asawa. 

 "What is this all about?" sabi bigla ni Kyran sa likuran ko. 

 "Pinatikim ko lang sa kanila 'yong cake," pagdadahilan ko. 

 Imbes na sumagot ay tinalikuran niya na ako. Sarap batuhin eh! Nagpilit na lang akong ngumiti at umakyat na sa kuwarto. Sarap na ng mood ko eh pero basagan lang ng trip. 

 "Ma'am Kyla?" 

 Napalingon ako sa tumawag sa akin. 

 "Bakit Jeffrey?" taka kong tanong. 

 "Pinapatawag kayo ni Master Kyran sa opisina niya," sagot niya. 

 Ano na naman kaya kailangan niya sa akin? Bumaba ako agad at nagtungo sa office niya. 

"May problema ba?" tanong ko agad. 

 "Here."

 Inabutan niya ako ng Master's credit card. Hindi na lang ako nagkumento. 

 "Thanks." 

 Tumalikod na ako at lumabas ng opisina niya. Aanhin ko naman itong credit card na ito eh may sarili naman akong pera. Itinago ko na lang 'yong card sa closet ko. Lumabas ako ng bahay at naglakad-lakad nang makasalubong ko 'yong babaeng may tindahan ng buko juice. 

 "Hi?" bati niya pa sa akin. 

 "Hi," matipid ko ring bati. 

 "Ako nga pala si Donna. Puwede bang pakibigay mo na lang 'to kay Kyran." 

Inabot niya sa akin 'yong paper bag. 

"Macapuno 'yan, paborito niya kasi yan no'ng magkasintahan pa kami." 

Napatitig ako sa kanya ng seryoso. Inaasar niya ba ako? Ngumiti ako ng sobrang lapad. 

 "I guess matagal na 'yon, buko pie na kasi ang gusto niya. Ayaw niya na kasi 'yong napaglumaan niya na, ang gusto niya kasi ay 'yong bago, sige una na ako," sarcastic kong sabi. And where the hell did it came from? Nakagat ko ang aking labi. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Paano kung magsumbong siya kay Kyran? Ugh! Tanga mo talaga Lyka! Pero ewan ko ba, parang nainis ako ng sobra kanina.

Pagpasok ko sa bahay ay umupo ako sa sala at nanuod ng Tv. Umupo naman bigla sa Kyran sa kabilang sofa at pinapanood din 'yong palabas sa Tv. Hinagod ko siya ng tingin. Kahit sinong babae, talagang magkakandarapa sa kanya. Tama nga si Kyla. Mukha siyang bachelor pero kung simpleng ayos lang nagmumukha siyang boy next door. 'Di ko rin mapigilang magpantasiya sa kanya. Ang guwapo niya kaya! 

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now