[MBI-NINETEEN]

17.3K 347 2
                                    

[MBI-NINETEEN]

KYRAN'S POV 

BUMALIK ako agad sa opisina ko matapos kong sagutin ang tawag galing sa Italy. 

"Where are they?" tanong ko kay Hailey but she suddenly kiss me. 

"What the hell is wrong with you!?" gulat kong tanong sabay tulak sa kanya. 

Hindi niya ako sinagot at ikinawit ang mga braso niya sa leeg ko. 

"Please Kyran, mahal na mahal kita! Okay lang kahit patago ang relasyon natin, please!" 

Tinanggal ko ang mga kamay niya. 

"Are you crazy!? For Pete's sake Hailey! I don't love you at hindi pa ako baliw para gawin 'yon!" 

Umiyak naman siya bigla. 

"Please Kyran! I—I just want you to love me. Ang tagal kong naghintay sa iyo. Please! Kahit maging kabit mo pa ako, ayos lang." 

Napapailing ako sa mga narinig ko sa kanya. 

"I'm sorry Hailey," iyan na lamang ang nasabi ko at lumabas na ng opisina. 

Umakyat ako agad sa kuwarto namin. Naabutan kong nakahiga si Kyla sa kama habang nakapikit ang mga mata pero she's not actually sleeping, just resting only. Why I said that? Pabaling-baling kasi siya ng higa sa kama. Napasandal ako sa pinto at pinagmasdan siya. I admit makulit siya, may sariling mundo and I've noticed that her attitude are different from what's written in her files. May mga bagay naman na tumutugma talaga pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka. Unang napansin ko'y mahilig siya sa ganyang suot, loose shirts and designer denim shorts. She even looks so swagger too sometimes. Wala din  siyang kaarte-arte sa katawan and as far as I know, mahilig siyang mag-shopping pero hindi naman siya naglalalabas and she's not even using the credit card I gave. And the most surprisingly is that she can swim but according to her files, she don't know how. So mysterious, right? And one thing I hate the most? Hanggang ngayon ay 'di ko pa rin alam kung sino iyong mga binabangggit niyang pangalan. First was Pou and Ben, now Jerry! And I'm really pissed to those names. Don't get me wrong but I am just concerned and worst? I've noticed that my cousin likes her and I don't know why I feel so irritated that time. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit naaadik ako sa mga labi niya. It's like a drug to me that made me become an addict. 

"Kanina ka pa?" gulat niyang tanong sa akin. 

"No," pagsisinungaling ko. 

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. 

"I'm going back to work next monday," panimula ko. 

"Ah, kaya ko namang alagaan ang anak natin kahit busy ka," sagot niya. 

Anak natin? Sounds good to my ears. 

"Thank you," matipid kong sagot. 

Kahit hindi niya anak si Ashley, somehow I felt so overwhelmed dahil tanggap niya at itinuring na parang sarili niyang anak ang anak ko. Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya hanggang sa mapagawi ang tingin ko sa mga labi niya. Heto na naman ang pakiramdam ko na hindi ko maintindihan. Wala sa katinuan ko siyang kinabig at kinumyos ng halik. Damn it Kyran! Humiwalay ako agad sa kanya. Yumuko naman siya at nagtago sa dibdib ko. Napabuntong-hininga akong niyapos siya at hinalikan siya sa noo. 

"Can you please cook kare-kare for me para sa dinner mamaya?" request ko. 

Nahihiya naman siyang tumango sa akin. Tumayo na ako at ginulo ang buhok niya at lumabas ng kuwarto namin. Napahilamos ako ng mukha ko. What the hell is happening to you Kyran? Where is your motto? 

"I don't need a lover, just a mother for my daughter," I mumbled. 

What a stupid motto you have Kyran!?

HAILEY'S POV

"PESTI! Ang sabi ko liquor at hindi Ethel alcohol! Mga bobo!" galit kong bulyaw at ibinato ang alcohol na iniabot sa akin. Kaasar! Dumating naman agad iyong alak na hinihingi ko kaya tinungga ko ito agad. Iyak ako nang iyak dahil sa sobrang sakit. Nagpakababa na ako ng pride ko para sa kanya. Nagmakaawa pa ako pero nauwi lang sa wala. Ano ba kasing mayroon sa babaeng 'yon! 

"Ma'am may bisita po kayo," sabi bigla ng katulong ko. 

"Papasukin mo." 

Pumasok naman ang bisita ko. 

"Yuck Hailey! Fix your self will you!" salubong sa akin ni Mandy. 

My bitch friend, why I said that? Iba't iba kasi ang mga lalaking nakakasama niya. 

"Oh! Shut up!" walang gana kong sagot. 

"Tsk! Ito oh! Hayan na ah! Muntik pa akong mahuli diyan! Buti na lang at nalusutan ko!" 

Nagliwanag naman ang mukha ko sa mga sinabi niya. Kinuha ko agad iyong files na inabot niya. 

"You're such a nice friend Mandy," nakangiti kong sabi. 

"Tsk! Whatever! If I where you? Magpapanggap akong mabait sa harap ni Kyran and with that thing? Makukuha ko agad ang loob niya, just bare to act like an angel Hailey, kung kaya mo! Got to go!"

Iniwan niya akong napapa-isip. May punto din siya, ano nga bang saysay ng files na ito kung hindi ko hahaluan ng kunting arte. Binuklat ko na iyong folder and—Oh? Ang dami niya pa lang hilig. Mahamon nga siya minsan, titingnan ko kung talagang magaling siya. 

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now