[MBI-THIRTY-THREE]

15.8K 338 4
                                    

[MBI-THIRTY-THREE]

LYKA'S POV

"NO way!" angal ni Haileyparot.

Epal din siya ano?

"Tumahimik ka nga!" sita sa kanya ni Landon sabay hila kay Hailey papasok sa elevator.

Ahm? Ano ba gagawin namin?

"Ano gagawin natin?" taka kong tanong.

"Nothing," sagot niya.

"Nothing? Ganoon? Eh wala naman pala tayong dahilan para magpaiwan dito eh," sabi ko.

"I want to be alone—with you. Is that enough?"

Ano daw? Bingi lang! Gosh! Talaga? Tama ba rinig ko? Bigla naman niya ako hinila papasok sa isang kuwarto. Nagwawala na naman ang puso ko. Ah! Bakit ba naging ganito siya bigla. Nang makapasok kami sa loob ay humiga siya sa isang malaking sofabed. Tinapik niya naman 'yong upuan na para bang pinapaupo niya ako. Ha? Hinila niya 'yong kamay ko at pinaupo sa lap niya at niyakap pahiga.

"Sleep," sabi niya tapos natulog na siya.

Aish! Naman oh! Kinikilig ako. Ang saya pala sa pakiramdam, iyong may taong nag-aalala sa 'yo ng sobra. Ang tanong, mahal ka ba? Napabuntong-hininga ako. Wala naman sigurong masama kung umasa ako 'di ba? Maghihintay pa rin naman ako sa kanya. At sana kapag dumating ang araw na 'yon, sana ay hindi pa ako mabuko dahil masasaktan ko si Kyran.  Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit hindi tama na mahalin ko ang isang gaya niya gamit ang katauhan ng iba. Inilapit ko ang mukha ko kay Kyran at panakaw siyang hinalikan. Mahal na mahal kita Kyran. Sana mapatawad mo ako kapag dumating ang araw na malaman mong hindi ako ang totoong Kyla Willson.

HAILEY'S POV

"LET go of me!" pagpupumiglas ko.

Ipinasok niya ako sa isa sa mga kuwarto ng Hotel.

"Bakit ba napakasama mo!" bulyaw niya sa akin.

"I don't know what you are talking about!" maang ko.

"Really? Ganyan ka na ba ka desperada para makuha mo ang pinsan ko! Mapapatay mo si Kyla sa ginagawa mo!"

Napakagat labi ako.

"Hindi ko alam "yang pinagsasabi mo!" maang ko ulit.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ko.

"Landon! Ano ba! Nasasaktan ako!" angal ko.

"Talagang masasaktan kita  kapag hindi ka pa tumigil sa mga pinaggagagawa mo! Kapag may nangyaring masama kay Kyla, ikaw ang sisisihin ko at ako mismo ang makakalaban mo!" he said and left me.

Nanlulumo akong napaupo sa sahig at hindi ko mapigilang mapaiyak. Bakit ba hindi nila ako magawang intindihin! Aminado akong ako ang may gawa ng bagay na 'yon pero bakit parang mas lalo ko lang silang pinaglalapit at dumagdag pa si Landon. Bakit ba kailangan pang magkaganito! Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako ni Kyran. Mahirap bang intindihin 'yon? Tao din naman ako ah! Bakit kailangang sa ganitong sitwasyon pa ang binigay sa akin ng Diyos. Gusto ko lang maging masaya. Gusto ko din maranasan kung paano mahalin ng taong mahal ko. Kanina no'ng makita ko kung paano magalit si Kyran ay para bang sasabog na itong dibdib ko sa sobrang galit, poot at selos. Ang matindi pa doon ay karga-karga niya pa ang babaeng 'yon at hindi man lang nahiya si Kyran kahit madaming empleyado pa ang makakita sa kanila. Nakakaselos! Mas lalo nila akong ginagalit! Tumayo na ako at kinuha ang phone ko. Damn you Kyla!

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon