[MBI-THREE]

20.5K 422 5
                                    

[MBI-THREE]

LYKA'S POV

GUMISING ako ng maaga pagkatapos ay nag-ayos ng aking sarili. Isang simpleng rubber shoes lang tapos malaking t-shirt at 3/4 na maong. Jologs na jologs ang dating pagkatapos ay hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Instant noodles lang din ang kinain kong agahan para 'di ako malipasan ng gutom. Lalabas na sana ako ng apartment ko nang may biglang tumawag sa cellphone ko kaya agad ko din naman itong sinagot. Sandali pa akong napatingin sa screen ng aking cellphone, it was Kyla.

"Oh Kyla napa—" 

Naputol ang sasabihin ko dahil agad kong narinig ang hikbi niya kabilang linya. 

"Hello Kyla?" tawag ko ulit. 

"Lyka ang Tita Helen mo 'to." Nagulat naman ako sa narinig ko. 

"Tita bakit?" taka kong tanong. 

"Kyla is in the hospital right now Lyka. Please pumunta ka dito," umiiyak na paliwanag sa akin ni Tita. Kailangan pa sila lumuwas ng Davao?

"Opo!" natataranta kong sagot at dali-daling lumabas ng apartment ko at pumara agad ng tricycle. Nagpahatid ako agad sa pantalan para maabutan ang biyahe sa barge.

AFTER a couple of hours, agad akong nakarating sa Southern Philippines Medical Center o SPMC.

Patakbo akong pumasok sa loob at nagtanong agad sa information desk. Matapos ibigay sa akin 'yong numero ng kuwarto ay tumakbo ako ulit. Pagkadating ko'y binuksan ko agad ang pinto at ang bumungad sa akin ay ang pinsan kong si Kyla na walang malay. 

"Ija," salubong sa akin ni Tita Helen at niyakap ako habang patuloy na umiiyak. 

"Tita tahan na ho," alo ko sa kanya sabay tapik ng marahan sa balikat nito. 

Kinalas naman niya 'yong yakap niya sa akin at pinaupo ako sa sofa. Pinahiran niya muna ang mga luha niya bago nagsalita. Humugot muna ito ng malalim na hininga. 

"Nag-away kami kagabi ng anak ko. Siguro naman naikwento niya sa 'yo 'yong dahilan Lyka pero hindi ko siya pinakinggan sa katwiran niya." 

Napatingin naman siya kay Kyla pagkatapos ay nagsalita ulit. 

"Hindi ako puwedeng tumanggi sa pamilya ng lalaking pakakasalan ni Kyla dahil nakapirma na sa kontrata ang Tito mo para sa Merger. Hindi ko alam na didibdibin niya 'yong pagtatalo namin kagabi kaya naisipan niyang magpakamatay. Buti na lang at nadala siya agad ng personal maid niya sa hospital. Ang akala ko ija mawawala na sa akin ang anak ko pati na rin ang apo ko," mahaba niyang paliwanag sa akin. 

"Apo? Bu-buntis si Kyla?" gulat kong sambit. 

Tumango naman si Tita Helen. Sinasabi ko na nga ba! Kaya pala ang takaw niya at tumaba siya ng konti, 'yon pala'y naglilihi na siya.

"Tita I want to help my cousin. Ayaw ko rin pong mawala siya." 

Naguluhan naman bigla si Tita sa sinabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Wala na akong choice kundi gawin 'to. Ayaw kong magpakamatay ang pinsan ko kung may magagawa naman ako. 

"Kyla begged me na magpanggap bilang siya," panimula ko. 

Namamawis na ang mga kamay ko dahil sa sobrang kabang susuungin ko. 

"Pero ija mahirap 'yan. I know na mukha talaga kayong kambal pero kasama sa requirements ang background ni Kyla at kung ano-ano pang mga ginagawa niya," sagot ni Tita Helen sa akin. 

May point siya. Paano ko nga naman gagawing magpanggap bilang pinsan ko, eh napaka-opposite naming dalawa. Bahala na!

"Tita we don't have a choice. Kung pipilitin natin si Kyla ay baka magpakamatay siya ulit. Ayaw kong mawalan ulit ng mahal sa buhay Tita," malungkot kong sabi. 

Napabuntong-hininga naman ito. 

"Salamat ija. Tatanawin kong isang malaking utang na loob ko 'to sa 'yo." 

Umiling ako. 

"Wala po 'yon," pilit kong ngiting tugon.

Anong gagawin mo ngayon Lyka? Bahala na si Mr. Bean!

KYRAN'S POV 

I AM in the room of my dear daughter Ashley at nakikipaglaro ako sa kanya. She's one year old now and time flies so fast. 

"Want to play with Daddy?" nakangiti kong lambing sa anak ko. 

"Ma—ma," sabi bigla ni Ashley.

I kiss her forehead. Hindi ko mapigilang malungkot para sa anak ko. My wife died a year ago after gaving birth to Ashley. That was really a big tragic that came into my life. And now I am going to get married again. Kaya lang naman ako pumayag sa gusto ni Mommy ay dahil sa anak ko. Naaawa ako sa anak ko na kapag lumaki siya'y wala siyang kikilalaning ina. I experience that kind of situation too. Lumaki ako na hindi man lang nasilayan ang ama kong pumanaw na. Ayaw kong mangyari 'yon sa anak ko kaya kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Besides, I don't need a lover, all I need is just a mother for my daughter. Mahal na mahal ko ang anak ko kaya lahat ay gagawin ko para sa kanya.

Tumayo na ako at kinarga ang anak ko at pumuwesto sa veranda. Nag-leave ako ng one week sa trabaho para makasama ang anak ako. Habang nilalaro siya'y bumungad naman sa akin ang Mommy ko. 

"It's all settle son. This saturday is the engagement party and then the wedding is next month Kyran. Is that ok with you?" balita niya sa akin. 

Tumango ako. 

"As long as that thing won't conflict to my working schedules," I said. 

"Want to know about her?" Mom asked and showed to me the envelope. 

"Yeah, just leave it in my office Mom where I can easily see it," I answered. 

Ngumiti naman siya ng sobrang lapad at tinapik ang balikat ko.

"I am hundred percent sure that you'll fall for her son," Mom suddenly said and step outside. 

Napailing na lang ako. Me? Fell on someone easily, huh? Well, let see how that woman can handle a rugged husband. Tumayo na ako at inihiga sa crib si Ashley. She is sleeping so sweet. I kiss her cheeks. 

"I love you so much baby," I whispered. 

I step outside. Tinawag ko agad ang dalawang bagong katulong. This time I hired a professional nanny's with a high profiled background. 

"Take care of my daughter while I'm not on her side. Understood?" bilin ko. 

Tumango naman silang dalawa. Dumiretso ako agad sa opisina ko at naupo sa swivel chair at sumandal. Even if I leave for a couple of days 'di ko pa rin maiwasang isipin ang trabaho sa opisina. It's really hard to be a C.E.O at the same time owner. I close my eyes and take a nap. I need to rest for a while. 

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon