[MBI-TWENTY-NINE]

16.3K 373 5
                                    


[MBI-TWENTY-NINE]

LYKA'S POV

NAGULAT ako sa narinig kong ingay mula sa kusina. Para bang may nabasag kaya napatakbo ako agad sa kusina.

"For God sake! How many times do I have to tell you that I am alergic to spicy foods! Damn it!" galit na sabi ni Kyran.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga basag na pinggan sa sahig. Para akong nawalan ng dugo sa narinig ko. Hindi ko alam. Wala talaga akong alam na alergic siya sa maanghang. Prawn ala Bicol express kasi 'yong iniluto ko.

"You two are fired!" bulyaw ni Kyran sa dalawang katulong.

Nataranta ako kaya agad akong sumingit.

"Kyran sandali lang. Ako..."

Napatigil ako dahil sa tindi ng galit sa mga mata niya. Napalunok ako at ang mga tuhod ko ay nanginginig na sa kaba.

"Ako ang may gawa niyan...ako ang nag—nagluto niyan, sorry!" putol-putol kong sagot sabay yuko.

Para na akong maiiyak sa sobrang takot.

"Tsk! So stupid!" he murmured sabay alis sa harap namin.

Hindi 'yon nakaligtas sa pandinig ko. Tama nga siya Lyka, napakastupida mo! Pakiramdam ko'y tutulo na ang mga luha ko any time.

"Ma'am Kyla, sorry po," paumanhin nilang dalawa sa akin.

Umiling ako.

"Wala 'yon," sagot ko.

Nagmadali akong lumabas ng bahay. Nagpunta ako sa parte ng farm kung saan may mini lake, iyong pinuntahan namin ni Landon. Naupo ako sa bench at hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Nasaktan ako sa sinabi ni Kyran.

"Bakit kasi ang tanga-tanga ko!" galit kong sabi sa sarili ko.

"Oy! Kyla, nandito ka lang pala eh" bungad sa akin ni Landon. 

 Agad kong pinahiran ang mga luha ko.

"Ha? Ah oo! Nagpapahangin lang," hindi makatinging sagot ko sa kanya.

Umupo naman siya sa tabi ko at pilit akong iniharap sa kanya.

"Tell me what's wrong?" Napayuko ako.

"Landon, hindi ko talaga alam, wala akong alam," umiiyak kong sabi.

"Hey! Quit crying Kyla, tell me the whole story," he said.

"Ipinagluto ko si Kyran tapos hindi ko alam na may alergy siya sa maanghang kaya hayun nagalit," umiiyak kong paliwanag.

Narinig kong napabuntong-hininga siya.

"Tahan na Kyla." Napailing ako.

"Hindi ko talaga alam Landon, sorry." Iyak lang ako nang iyak.

Galit si Kyran sa akin at hindi 'yon okay.

"Kyran was rushed to the hospital noong mga bata pa kami dahil pinakain ko siya ng sili. It was a part of our game, that was the time that we knew that he was alergic to spicy. It's not your fault Kyla," kuwento ni Landon sa akin.

Hindi ko nga siguro kasalanan pero 'yong sinabi niyang stupid ako, 'yon ang iniiyakan ko. Masakit marinig 'yon mula sa kanya.

"Maybe you should ask the maids or Jeffrey, what are my cousin do not like and like," payo sa akin ni Landon.

Tama nga siguro, masiyado akong naging kampante.

"Landon, thank you."

Pinahiran naman niya ang mga luha ko sa pisngi.

"I don't want to see you like this Kyla. Kung ako ang pinsan ko ay hindi kita hahayaan ng ganito but we are just friends and I don't want to intrude. Kyran doesn't like anybody would invade his property."

Dumudugo ilong ko! 'Di ko siya ma-gets! Ngumiti na lang ako. Pinahamak ako ni Hailey! Buwesit siya! Humanda siya sa akin.

KYRAN'S POV

"MASTER Kyran?" bungad sa akin ng Butler ko.

"What?" medyo iritado kong tanong.

"Nakita ko si ma'am Kyla, umiiyak at palabas ng mansion," sabi niya sa akin.

Nabitawan ko ang baso na may lamang alak at nagmadaling lumabas ng mansion. Damn it! I did not mean to hurt her. Hindi naman ako galit sa kanya, yet I am happy na ipinagluto niya ako. Sa maids ako galit dahil hindi man lang nila sinabi kay Kyla ang kundisyon ko. Kaasar! When I search for her, nakasalubong ko siya. Fuck! She's with my cousin! Lumapit ako agad sa kanila.

"Kyran?" gulat na sambit niya nang makita ako.

Hinila ko siya agad palayo sa pinsan ko. God damn it! I swear, mapapatay ko talaga si Landon sa mga kalokohang ginagawa niya.

"Kyran, sorry."

I just gave her a death glare. Hinila ko siya papasok sa mansion at dumiretso sa kuwarto namin.

"Why are you with him!?" galit kong tanong habang nakasalampak siya sa pader.

"Kyran, sorry talaga, nagkataon lang 'yon," she answered as she started to cry.

Fuck! Nasuntok ko iyong pader. Galit na galit ang pakiramdam ko ngayon at hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Napabuntong-hininga ako at isinubsob ang mukha ko sa leeg niya. I am really scared of something that I can't still even know how to find out. She suddenly wrap her hands around my waist.

"Sorry na," she said in a low tone.

My system feel at peace. I hug her back.

"Pack your things, we are going to leave," I said.

Kinalas niya ang yakap niya sa akin.

"Isasama natin si Ashley?" tanong niya.

"No, by now mom is heading right here. She's going to take care of Ashley. Pack now. We're staying in Hongkong for one week," I said and step out side.

May business trip ako sa Hongkong and sad to say, Hailey and Landon are going with us! Fuck this business trip! My self wants me to be with Kyla, alone!

"Master Kyran? Everything is settled," bungad sa akin ni Jeffrey. Tumango ako.
"Call Kyla," utos ko. Nagtungo ako sa kuwarto ng anak ko at kinarga siya.

"Hey my princess, Lola will take care of you while me and your Mommy are not around, okay?" I said.

She smile and hug me. Ibinalik ko siya sa crib at humalik sa noo ng anak ko bago lumabas. Naabutan ko si Kyla na naghihintay sa akin sa baba.

"Nagpaalam na ako kay Ashley kanina," she said.

"Okay," matipid kong sagot.

"So good to be with you Kyran," singit ni Hailey.

"May narinig kayo? Kasi ako wala!" Landon said.

Napailing na lang ako sa inasal ng pinsan ko. He was still bitter, tsk! I grab Kyla and lead the way at pinasakay siya sa kotse. I drove while I am holding her hand.

"Kyran? Iyong? Iyong kamay ko," she said.

Patay malisya kong binitawan ang kamay niya. Nababaliw na nga yata ako. Maybe this is just an infatuation.

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now