[MBI-THIRTY-SEVEN]

16.1K 347 1
                                    

[MBI-THIRTY-SEVEN]

HAILEY'S POV 

"WHAT the fuck is wrong with you!?" galit na bulyaw sa akin ni Kyran sabay tulak sa akin. 

"Kyran I'm sorry," kagat labi kong sabi. 

"You are so stupid and disgusting!"  aniya sabay walk out sa harap ko. 

Napakagat labi ako dahil pinipigilan kong huwag umiyak. 

"Jeez! She didn't even know how to be ashamed!" narinig kong sabi ng mga tao sa akin. 

"Shame on her," sabi din no'ng iba. 

"Well, if I where the guy? I really gonna kick her ass! Pathetic!" narinig ko pang sabi ulit ng iba. 

Napatakbo ako agad papasok sa Hotel at nagmadaling sumakay sa elevator.

Doon ko ibinuhos lahat ang kahihiyang nagawa ko. Alam kong napakadesperada ko na pero wala akong ibang paraan para mahalin din ako ni Kyran. Mahal na mahal ko lang talaga siya. Kung bakit kasi umepal pa 'yong babaeng 'yon! Nakakabuwesit! Pinahiran ko ang mga luha ko at pumasok agad sa suité na nakalaan para sa amin ni Landon. Talagang pinagsama kami ni Kyran sa iisang suité.
Nang makapasok ako ay naabutan ko si Landon na nakahiga sa sofa at natutulog. He was freaking hot in his position but Kyran is more than hotter for me. Umupo ako sa may paanan niya. Ang taas kasi ng sofa. Sumandal ako at hinilot ang sintido ko. Ano pa ba ang puwede kong gawin para mapaglayo ko silang dalawa. Will I use Landon? But he won't help me. Bumangon bigla si Landon at humiga sa lap ko. 

"What the hell are you doing!?" gulat kong tanong. 

"Just shut up!" madiin niyang sabi. 

"Don't try to provoke me Landon! Talagang ihuhulog kita!" galit na litanya ko. 

He stood up suddenly and pulled me close to him and kissed me. Pinilit kong kumawala pero ayaw niya. 

"Landon! Stop it!" 

Oh god! What the hell is wrong with him. 

"I'll help you with Kyran," sabi niya bigla. 

Nagliwanag naman agad ang mukha ko dahil sa narinig.

"Is that true?" paniniguro kong tanong. 

"Yeah," matipid niyang sagot at pumasok na sa kuwarto niya. 

Napahalukipkip ako at napa-isip. Ano naman kaya ang dahilan niya para tulungan ako. Bigla din siyang naging weird at nanghahalik bigla. God! What the hell is happening to him. Well, using Landon? Mapapasaakin na rin sa wakas si Kyran. 

LYKA'S POV 

HETO ako ngayon, nakaupo pa rin sa sofa at niyayakap ang mga tuhod ko. Gusto kong umiyak, pumatay, magwala at magalit sa kanya. Pero ang malaking tanong ko ngayon sa sarili ko ay ano nga ba ang karapatan ko? Mahal ko nga si Kyran pero ang hirap lang na hindi ko kayang mailabas at maipakita sa kanya 'yon dahil kilala niya ako bilang si Kyla. Kanina no'ng makita kong naghahalikan sila ni Hailey ay parang gusto kong ibitay patiwarik ang babaeng 'yon. Kung puwede ko lang lasunin 'yong babaeng 'yon eh 'di sana matagal na. Si Kyran naman, hindi ko rin siya maintindihan kasi hindi ko naman mabasa kung ano ang itinatakbo ng utak niya. Tama kaya 'yong sinabi ni Landon kanina na paaaminin niya si Kyran? Paano naman kaya niya gagawin 'yon. 'Yong sinabi niyang mahal niya si Hailey? Sobrang namangha ako sa haba ng pasensiya niya. Hinahayaan niya lang na tratuhin siya ni Hailey ng ganoon. Masakit din kaya 'yong makita mong may ibang mahal ang mahal mo. Sa estado ni Landon, mukhang mahal niya lang talaga si Hailey pero sa pagkakalahad niya kanina ay mukhang seryoso siya. Siguro dapat tumulong din ako. Ang sabi nga niya 'di ba?

"Just go with the flow," bulong ko sa kawalan.

Tumayo na ako at inayos 'yong mukha ko. Ang pangit talaga kapag ang babae ang umiiyak pero kung ang lalaki naman ang umiyak, nakakahabag.

"Kyla?" tawag sa akin bigla ni Kyran.

Napalingon ako agad sa kanya.

"Kanina ka pa?" hindi makatingin kong tanong sa kanya.

"Nope," matipid niyang sagot.

Tumango lang ako at kunwaring nag-ayos ng sarili ko. Ramdam ko naman 'yong paglapit niya sa akin at niyakap ako patalikod. Naman eh! Gusto kong kiligin at the same time gusto kong maiyak. Naiiyak ako dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya at hindi ko alam kung anong mayro'n kami. Alam kong mag-asawa kami—ang pinsan ko pero kulang pa rin ang salitang mag-asawa kung walang pundasiyon na tinatawag nilang pag-ibig.

"May problema ba?" taka kong tanong.

Umiling naman siya. Natahimik naman ako dahil wala na akong maaaring masabi.

"Are you crying? Your eyes were gloomy."

Nataranta naman ako bigla sa tanong niya.

"Ako? Umiyak? Hindi ah!" maang ko.

Iniharap naman niya ako at mataman na tinitigan. Mata pa lang lusaw na ako.

"You are not really good in lying," sabi niya.

Napalunok naman ako.

"H-Hindi n-nga k-kasi," nauutal kong sagot.

"I know you saw it. I saw the telescope on the floor. It's not like that Kyla, that thing you saw—"

Tinakpan ko ang bibig niya.

"Bakit ka ba nagpapaliwanag? Wala sa akin 'yon. Alam ko namang hindi mo 'yon gusto," sagot ko.

Napakasinungaling ko talaga. Aminado naman akong nasaktan ako sa nakita ko pero bakit ba kailangan niyang magpaliwanag. Naguguluhan na talaga ako. Napabuntong-hininga naman siya.

"Alright, go change now. Sa ibaba tayo kakain," sabi niya at lumabas na ng kuwarto namin.

Despair! Nagpalit na lang ako ng damit at lumabas. Naabutan ko naman si Kyran na nakaupo at nakasandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata. Lumapit ako sa kanya at dumukwang ng konti. Ang guwapo niya talaga.

"Stop staring at me, I am going to be conscious," sabi niya bigla kaya napatayo ako ng tuwid.

"Hindi kaya! Tara na nga!" naiilang kong sabi.

Umuna na akong naglakad at lumabas.

"Hi Kyla?" bati sa akin ni Landon.

"Sasabay kayo?" nakangiti kong tanong.

"Yup!" masayang sagot niya.

Lumapit naman siya sa akin ng konti at...

"Watch and learn," bulong niya sabay kindat sa akin.

Natatawa akong hinampas siya sa balikat niya.

"Ewan ko sa 'yo," nakangiti kong sabi. 

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYWhere stories live. Discover now