[MBI-THIRTY-TWO]

16.8K 375 6
                                    

[MBI-THIRTY-TWO]

 
KYRAN'S POV 

AISH! Napabalikwas ako ng bangon. Darn! Pinilig ko ang ulo ko dahil parang naalog yata ang utak ko sa pagsipa niya. Padabog akong bumaba ng kama at nakapamaywang na pinagmasdan siya. Mukhang inborn na talaga sa kanya ang pagiging malikot sa pagtulog. Iyong ulo niya kasi nasa paanan na ng kama at iyong mga paa niya naman ay nakasandal na sa headboard. Tapos 'yong damit niya, nakataas na, pero hanggang baywang lang naman. Lumapit ako at ibinaba 'yong damit niya at kinumutan siya. Seriously? May mas lalaki pa ba sa King and Queen size bed? Dahil kung talagang mayro'n ay bibili ako. She really liked roaming around the bed. Napasulyap ako sa relo ko. Napakaaga ko naman yatang nagising, at exactly four o'clock in the morning. I fix myself and then step outside. Mukhang pati si Landon at Hailey ay tulog pa rin. Pumasok ako sa opisina ko at kinuha iyong phone ko. Tinawagan ko ang Mama.

"Hello ijo?" Mama said. 

"Hey Mom, sorry if I called you early in the morning," I said. 

Narinig kong tumawa siya ng bahagya. 

"It's okay Kyran, alam mo namang ganitong oras din ako nagigising. How was the Honeymoon?" May halong panunuksong tanong sa akin ng ina ko. 

"Ma, this is not a Honeymoon," depensa ko. 

"You are not really good in lying son. I know why you called, Ashley is alright and I am having fun taking care of her. So please ijo, there's nothing to worry about."

Napabuntong-hininga ako. 

"Alright Ma, please call me if something happen," I said. 

"Sure son." 

Ibinaba ko na ang phone ko. Bigla namang may yumakap sa likuran ko. 

"What the heck!" gulat kong sambit at kinalas ang yakap niya. 

"Bakit ba ganyan ka Kyran. 'Di hamak naman na mas maganda at mas edukada akong tao kaysa sa kanya pero bakit ba hindi mo ako magawang mahalin?" 

Napahilamos ako ng mukha. 

"Will you please quit asking me this way! You are really out of your mind!" I said. 

Tinalikuran ko na siya. 

"Kyran please! Bakit 'di mo ako magawang mahalin! Bakit ha!?" Hinarap ko siya. 

She was crying. 

"Dahil hindi natuturuan ang puso," sagot ko at tinalikuran na siya. 

I'm sorry Hailey. Kailangan kong ipakita sa 'yo na hindi kita kayang mahalin dahil 'yon ang totoo dahil alam ko na hanggang ngayon ay mahal ka pa rin ng pinsan ko. Hindi ako bulag para hindi makita 'yon pero ang ikinagagalit ko ay kung bakit kailangan niya pang gamitin si Kyla. Bumalik ako sa loob ng kuwarto namin at...

"Ah! Kyran!" tili niya sabay talon sa akin. 

Napangiti ako ng palihim. Niyakap niya ako ng mahigpit. She looks so pale. Kinarga ko siya ng maayos dahil 'yong posisyon niya ay parang naka-piggy back pero nakaharap siya sa akin. 

"Iyong... Iyong kama! Ang daming butiki!" umiiyak niyang sabi. 

"What!?" gulat kong tanong. 

Lumapit ako sa kama habang buhat-buhat ko pa rin siya. Ang gaan niya, parang wala akong kinakarga.

"Kyran!" awat niya sa akin. 

"Calm down. This a hotel Kyla kaya imposibleng—"

Naputol iyong sasabihin ko dahil totoo nga ang sinasabi niya.

MISTAKEN BRIDE'S IDENTITYOnde histórias criam vida. Descubra agora