Chapter#100

826 22 2
                                    





Nagising si Anna sa isang pamilyar na lugar. Agad nyang inikot ang paningin at agad nakadama ng matinding takot.






Gustuhin man nyang sumigaw ay di maari kahit ang gumawa ng maliliit na pagkilos ay sadyang makalilikha ng ingay.






Muling naipikit ni Anna ang mga mata. Madiin iyon at taimtim na umusal ng dasal.







" Panginoon ko, iligtas nyo po ako sa masasamang taong ito. Wag nyo sana akung pabayaan.







Taimtim na pagdarasal ni Anna sa dyos na sana ay mailigtas sya sa masasamang taong dumukot sa kanya. Habang sya ay nagdarasal ay may kung sinong bulto ng katawan ang naglakad patungo sa kanya at huminto sa tapat ng kinaroroonan ni Anna.







Nakapikit man ay alam ni Anna na nasa harapan nya na ito. Ayaw nyang imulat ang mga mata dahil na rin sa nadaramang takot sa kung sinumang tao ang nasa kanyang harapan.







Ngunit mukhang hindi ito magpapapigil upang ganon nalang ay bigla sya nitong dakmain sa buhok.






"Ahhhhhhh!"






Impit na tili ni Anna nang hawakan sya nito sa buhok at sapilitang patayuin habang hawak ang kanyang buhok at masakit iyon.






Dahil sa may kadiliman ang lugar ay di kagad na aninag ni Anna kung sino ang may hawak sa kanyang buhok.



Nagpupumiglas man ay walang nagawa si Anna dahil nakatali ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran. At mistulang natutuwa ang kung sinumang may hawak sa buhok nya sa nakikitang paghihirap nya dahil napapahagikgik pa ito sa tuwa.




Naluluha man sa sakit ng nararamdaman sa walang habas na paghaltak nito sa kanyang buhok ng maya maya may kung sinong lalake ang nagsalita at may dalang sulo upang magkaroon ng liwanag ang paligid.



" Stop it Daniella, Kung gusto mong pahirapan yan ay madami ka pang pagkakataon."




Doon ay malinaw na nakita ni Anna ang kung sinong humahaltak sa kanyang buhok. Ito ay walang iba kundi si Daniela Esteban.




My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now