chapter #51

1.3K 26 5
                                    

Flashback......




Writer here ;)



Matinding takot ang nararamdaman ni Alianna ng mga sandaling iyon. Gusto nyang sumigaw ngunit di nya magawa. Nakatali at nakabusal ang bibig nya.




Kanina sa labis na ginaw ay napamulat sya ng mata mula sa pagkaidlip. Nakayakap sa kanya si Leonard na nakatulog rin pala.




Tinanggal nya ang kamay nito at nagpalinga linga sa paligid. At ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makita nya ang mga lalaking humahabol sa kanila na nasa loob ng yungib kung saan naroon sila ni Leonard.





"Oppsss wag kang sisigaw kung ayaw mong sumabog ang utak ng lalaking yan!"





Sabi ng isang lalaking balbas sardo ang mukha. Sabay turo sa tulog na si Leonard. Sinenyasan nito ang isa pang lalake na naroon at walang anu ano'y natalian na nito agad si Alianna. Ang tangkang pagsigaw ay naundlot dahil tinutukan ng baril ang mangiyakngiyak na si Alianna.



Ngunit parang kusang nagising at nagmulat ng mata itong si Leonard. At laking gulat nga nito ng makitang may ibang tao na sa kinaroroonan nila. At agad napansin nitosi Alianna na nakatali na at may busal sa bibig.




Gustong gusto ni Alianna na sumigaw at tawagin ang pangalan ni Leonard ngunit wala syang magawa kundi ang umungol at maiyak sa sobrang takot lalo na ng saktan at dagukan ng isa sa mga lalake si Leonard.





Nawalan ng malay itong si Leonard sa ginawang pagdagok rito. Kaya labis ang takot na nararamdaman ni Alianna ng mga oras na yon. Tapos ang isang lalake pa doon na mukhang di pagkakatiwalaan ay mukhang may pagnanasa pa sa dalagita.





"Dyos ko, parang awa nyo na po tulungan nyo po sana kami."




Piping dasal ni Alianna, ni wala syang maisip na pupwedeng makatulog sa kanilang dalawa ni Leonard. Ang mga taong ito ay mukhang halang ang mga bituka. Kung ang isang matanda ngang katulad ni ka Abet ay nagawang saktan. Maano pa syang babae lamang.





At Bakit ganon nalang ang pag nanais ng mga itong makuha si Leonard. Yon ang tanong na nasa isip ngayon ni Alianna.






"Hoy babae kung nagbabalak kang tumakas ay huwag mong balakin pa! Dahil di na namin kayo pakakawalan, Lalo na yang mokong na yan. Pinahirapan kami ng todo kahahanap dyan no!"





"Hahaha tama ka dyan parekoy. Sa lake ng magiging ransom na pwede nating hingiin sa ama ng mokong na yan eh tyak tiba tiba tayo neto. Diba boss?"




"Pwede ba kayo! Bantayan nyong mabuti ang mga yan. Lalo na yang binata na yan dahil pag gumising yan at matakasan na naman kayo."




Nagsipag tanguan naman ang mga ito sa tinatawag nilang boss. Palihim na pinagmamasdan ni Alianna ang itsura ng boss ng mga ito. Dahil sa madilim sa loob yungib ay sa twing kumikidlat lang nya na aaninag ang mukha nito.





My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now