Chapter#94

1.2K 27 5
                                    






Writer here.......... Dahil mas magiging exciting ang mga pangyayari kaya ako muna!






Nagpaalam si Anna kay Leo na may pupuntahan daw ang mga ito kasama sina Choleng at Maryet. Nang tanungin ni Leo yung saan ito pupunta ay sa mga importanteng tao raw di umano sa buhay ni Anna ang kanilang pupuntahan.






Nais sanang sumama ni Leo pero biglang may importanteng meeting na ipinatawag ang mga board members ng kanilang kumpanya.






Kaya naman sinabi nya kina Anna na susunod nalang sya sa pupuntahan ng mga ito pagtapos ng kanilang meeting.






At ng matapos nga ang naturang meeting ay nag text si Anna ng kanilang lokasyon. At habang nasa byahe si Leo kasama si Mang Danny ay may nahagip ang kanyang mga mata na isang pamilyar na tao.




" Sandali lang mang Danny itabi nyo po muna ang sasakyan sa tabi."





At agad namang itinabi ni mang Danny ang sasakyan sa tabi. Agad bumaba si Leo at nilapitan ang isang may kaedarang babae.



" Sister! sister Milagros kayo po ba si sister Milagros?"



" Ako nga! abat ikaw diba si Leo?"



" Opo! Leonard po, Leo po ang tawag nila ngayon sakin. Ang tagal ko po kayong hinanap."



Sandali pang nag usap ang dalawa. At maya maya nga ay isinabay na nila ang mga ito. May kasama pa itong isang binatilyo at isang dalagita na sa tingin ni Leo y nasa 18 y/o na ito o mas bata pa.



Biglang may alaalang nagbalik sa kanya. Ang alaala nya kasama si Alianna. Napapangiti sya sa mga alaalang nagbabalik lalo na't kasama ngayong kasama at nakita nyang muli si sister Milagros.



" Ihahatid na po namin kayo sister."



" Ay naku napakalaking abala naman sa iyo baka mapalayo ka pa ng daan nyan dahil sa amin."



" Hindi po! wag po kayong mag alala. Nais ko rin pong makita ang iba. Para narin magpasalamat."



" Ay tamang tama pala Leonard, Tyak akung matutuwa ka dahil naroon ngayon sa ampunan si Alianna."



My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now