Chapter #73

1.3K 25 0
                                    


Leo's POV......





Pakiramdam ko ay may bumubuhat sakin kanina. At parang sobrang liwanag naman sa lugar na ito.






Liwanag. Bakit may liwanag? tanong ko sa sarili ko. Kaya naman bigla akung napamulat ng mga mata at pag mulat ko ay nakasakay pala ako sa stretcher at may ilang tao ang nagtutulak nito.





Ang liwanag na nakita ko y nagmumula pala sa mga ilaw. Sa palagay ko nasa ospital ako.





Bigla akung na alarma at may naalala. Si Anna!






Napabalikwas ako ng bangon kahit umaandar pa ang stretcher ay pilit akung bumabangon.






"I need to see my wife! Where is she? She's injured and unconciuos."






"Don't worry sir, she's in the hospital too."






Turan sakin ng isang koreanang nurse. At muli akong pinahiga nito. Parang nilalamig ako at animo'y tinatangay ako ng antok na khit anung pigil ko ay unti unting parin akong napapikit.







Other day 1:35 pm.







Alam kung gising na ako pero ang mata ko ay ayaw pang dumilat. May naramdaman akung mainit na kamay na humaplos saking mukha. At mas dinama ko pa iyon dahil napaka init ng kamay nito na nanunuot sakin puso at maging kaluluwa.






"Gising na Leo, Anu ba yan tulog ka parin hangang ngayon."






Kilala ko ang boses na yon, Si Anna.






"Anna ikaw ba yan? Ok ka na ba wala bang masakit sayo?"






Turan ko habang nakapikitpa rin ang mga mata ko. Pero bakit ganon kahit anung pilit kung dumilat ay ayaw bumukas ang mga mata ko.







"Mahal na mahal kita Leo."







Turan nito sabay nakarinig ako ng paghakbang papalayo saking kinalalagyan.








"Anna! Anna!"







Bigla akung napamulat at biglang hinagilap ang pinto. At ng mapansin ko nga na ako lang pala mag isa sa loob ng kwarto sa ospital. Panaginip.







Bumangon ako at pilit tumayo kahit na nanginginig pa ang mga tuhod ko. Bakit ganon ang pakiramdam ko, bakit kinakabahan ko na di ko mawari. Bakit kakiba ang pakiramdam ko na natatakot.







Biglang pumasok si mang Danny kasama ang isang nurse at isang Doctor.






"Leo! wag ka munang bumangon at baka mapano ka pa!"






"Mr. San Martin, you need to go back to your bed. Your not well yet."






Turan iyon ng doctor na kasama ni mang Danny. Inalalayan pa ako ni mang Danny na makabalik sa pagkakahiga. Ngunit nagpupumilit akung bumangon upang makalabas ng kwarto.






"Kailangan kung makita si Anna mang Danny, pls dalhin mo ako sa kanya."






" Pero di ka pa masyadong ok Leo."






My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon