chapter #26

1.7K 39 0
                                    


Napabalikwas ako ng bangon ng may narinig akung kumalabog. Naudlot tuloy ang panaginip ko tungkol kay Alianna, At ng tingnan ko ang alarm clock ay pasado alas dos palang ng madaling araw.

Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa biglang kirot na dumaloy. Isang oras pasado palang pala ang naitutulog ko. Alam kung wala ng gising ng ganitong oras dahil ako pa mismo ang nagpatay ng ilang ilaw sa mansion.

Tumayo ako at lumabas sa kwarto ko. At nagulat ako ng makita ko si Anna na nakaupo sa may bukana ng hagdan pababa. Agad akung lumapit kay Anna at inalalayan syang tumayo.

"What happen?" Tanung kung may bahid ng pag aalala. I don't know pero yon yung naramdaman ko.

"A-- anu kasi gusto ko sanang kumuha ng tubig dahil sobrang uhaw na uhaw ako tapos medyo nakaramdam ako ng pagkagutom."

"Eh bakit nakasalampak ka dyan sa hagdan?" Naaliw na tanong ko dito dahil kahit night lamp nalang ang bukas ay naaninag ko parin ang pamumula ng pisngi ni Anna.

At napa isip akung bigla dahil ang sabi ni Dr. Marquez ay kinabukasan pa ang gising ni Anna, pero heto at gising na at gutom pa!.

"Bakit?" Biglang tanong ni Anna sakin ng mapuna kung mataman akung nakatitig sa kanya.

"Ah eh -- wala! Ang mabuti pa eh samahan na kita sa kitchen para makakain kana kasi ang laking ingay mo!"

Nakita ko na parang hindi makuha ni Anna ang sinabi ko. Kaya naman nauna nalang akung magtungo sa kitchen. Tiningnan ko ang laman ng ref. Ngunit nadismaya ako ng makita kung walang kahit na anung pwedeng makain.

Tsk! Sa mga magsasaka nga pala kami ng dinner kaya hindi na nag abala pang magluto si Nana Belen. At ng bumaling ako sa may pinto ay nakita ko doon si Anna na bakatunghay sakin.

"Walang kahit anung pwedeng mainit para makain mo!"

Anna's PVO

Naaliw akung pagmasdan ang lalaking ito na naghahalungkat sa ref. Napapangiti rin ng makita kung sumuko na itong maghanap ng pwedeng makain. At ng balingan nya ako ay nagkunwari akung walang alam.

"Walang kahit anung pwedeng mainit para makain mo!"

"Ok lang yon, magluluto nalang ako." At nagpunta ako sa harap ng ref at nag excuse sa kanya upang ako naman ang maghanap ng pwedeng lutuin.

Binuksan ko ang pantry at nakasira ako ng isang supot ng pancit canton. Sa tanya ko mga dalawampong minuto lang ay maluluto ko na ito.

At nagulat pa ako ng makita ko na nakatayo parin si Leo at pinapanood ako. Bigla tuloy akung na conscious sa mga galaw ko. Pero syempre hindi ako nagpahalata at ipinagpatuloy ko ang pag peprepare ng lulutuin ko.

Habang maghihiwalay ako ng ilang gulay na panghalo sa lulutuin kung pancit canton ay nakikita Ko sa gilid ng aking mga mata ang matamang pagkakatitig ni Leo. Kaya naman para hindi nya makita na naiilang ako ay paminsan minsan ay nagkukunwari akung tumatalikod kunway may hinahanap na kung anu.

"Nagluluto ka ba talaga?" Tanong nya na napapitlag sakin.

"Huh? "

"Talaga bang sakit mo na yan!"

"Ang anung sakit?" Naguguluhan tanong ko kay Leo.

"Yang pagiging-- hmmm never mind, pwede bang-- anu ah--

Kita ko nag aalangan pa sya sa gusto nyang sabihin.

"Bakit gusto mo rin bang makikain, yon ba ang gusto mong sabihin."

My Unwanted WifeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt