chapter #52

1.3K 20 0
                                    

Continuation......


Writer here ;)


Kasalukuyang walang malay si Leonard at lihim na nagdarasal ng taimtim itong si Alianna. Takot na takot man ay pilit nagpapakatatag si Alianna dahil alam nyang kasama nya naman doon si Leonard.


Nagkunwari syang nakaidlip ngunit lihim nyang minamatyagan ang kilos ng mga ito. Sa tanya nya ay nasa apat na katao ang naroroon. Dalawa ang nasa labas at dalawa rin ang nasa loob kasama na roon ang tinatawag nilang boss.



"Bantayan mong mabuti ang mga yan! At maiidlip muna ako ng bago mag dilim ay makaalis na tayo rito."



"Pero boss bakit patatagalin pa natin ang pag alis dito eh kung pwedeng lumakad na tayo ngayon na maluwag pa!"




"Gonggong ka talaga! Mahina ba talaga yang kukote mo huh! Malamang nagkalat na ang mga pulis, at kung anu pa sa daraanan natin. Mabuti yong takip silim na, nang sa ganon ay di tayo masyado makita sa dilim."


Matapos yon ay pumwesto na ang tinatawag na boss sa duluhan ng yungib. Agad itong nakaidlip at humihilik pa.


"Uy ikaw na munang magbantay dito sa labas at ako naman dito sa loob ng makaidlip din ako kahit sanadali."

Biglang sabi ng isa sa mga lalaking nasa labas. At pumwesto nga ito sa loob at tangkang iidlip narin.


"Tulog kayo ng tulog baka pag nagising yan si boss yari ka!"

"Ang labo naman nito! Kagabi pa ako walang tulog anu, saglit lang ako di naman makakatakas ang mga yan Lalo na't nasa labas kayong dalawa.

"Bala ka nga sige at doon na kami sa labas.!"


Nakiramdam ng maigi si Alianna. At ng matanto nyang tulog na ang isa at nasa labas naman ang dalawa pa ay agad nyang tinabihan si Leonard.


" Leonard......., Leonard gising! "


Tawag nya rito mabuti nalang at may awa pa parin kahit papano ang mga ito dahil tinanggal din nila ang busal nya sa bibig. Dahil ang dahilan ng mga ito,kahit daw magsisigaw sya ay wala ding magkakarinig at walang halaga.



"Sssssssh! Wag kang maingay Alianna, baka magising sila."


Bulong ni Leonard na kanila pa pala ring gising at nakikiramdam lang din pala.



Agad itong bumangon at ipiniling piling ang ulo. Ramdam pa rin kasi nito ang kaunting kirot ng pambabatok sa kanya ng isa sa mga lalake.

"Nag-alala talaga ako sayo kanina. Ang akala ko talaga ay napuruhan ka nila. Leonard."


"Don't worry, OK lang ako, nawalan lang talaga ako ng malay. Ikaw OK ka lang din ba? Di ka ba nila inano?"

Timango tango lang si Alianna bilang tugon sa tanong ni Leonard.

"Mabuti naman kung ganon Alianna."




My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now