Chapter#76

1.3K 24 2
                                    






Nagising ako sa sobrang lamig, At ng tatayo sana ako ay sobrang sakit ng katawan at sobra din ang kirot ng ulo ko. Kinapa ko iyon at may kung anung nakabalot sa ulo ko.






Kinabahan ako dahil di ko alam kung nasaan ako. Puros kahoy ang kabouhan ng bahay at mukhang lumang luma na ito.







"Nasaan ako?"






Naitanong ko pa, Sabay kumirot ang ulo ko. Napaka sakit.






At maya maya nga'y bigla akung may narinig na mga yabag ng paa papalapit sa pinto. At ng bumukas nga iyon ay nakita ko ang dalawang matanda.






Nagsalita yong lalake ngunit di ko maunawaan ito. At ng tingnan ko ang babae ay ngumiti ito sakin.






"Sorry if you don't understand my husband. Are you foreigner or Filipina?"







" Nasaan po ba ako?"







"Oh I see pilipino ka rin, Nagdalawang isip kasi ako kung latina ka o pinoy. Andito ka nga pala sa bahay namin. Actually yong tenant namin ang nakakita at nag dala sayo dito. Dapat ay sa ospital ka nmin dadalhin ang kaso naka road close sila dahil sa landslide."







" Po? tenant? anu pong ibig nyong sabihin? At nasan po ba ako talaga?







Alam kung nawewirduhan sakin ang dalawang matanda. Nag tinginan pa nga ang mga ito.







" Halos mag dadalawang lingo ka ng walang malay. Nangamba nga ako nung dalhin ka dito kasi duguan ka at mukhang di na tatagal. Mabuti nalang at doktor si Norman kaya nagawan nya ng paraan ang mga sugat mo."






Wala akung maunawaan sa sinasabi ng ginang at sino si Norman? at bakit ako sugatan? Bigla ang pagkirot ng ulo ko kaya naman nahawakan ko ito ng bigla.






" What happen? it's something hurting in your head?"







Tanong ng asawa ng ginang, marunong naman pala itong mag English kahit na medyo hirap itong bigkasin.







" Naku mukhang kailangan mo ng uminom ng gamot. Ang kaso ubos na ang stock namin dito at wala pa si Norman. Matitiis mo pa ba ang sakit?"






Tumango tango naman ako dahil nawala rin naman ang pangingirot ng ulo ko.






" Oo nga pala ngayong nagkamalay kana ay gusto ko sanang malaman kung anu ang pangalan mo? Kasi ng dalhin ka dito ni Norman ay wala man lang kaming nakitang ID's or pagkakakilanlan sayo!"








Napatingin ako sa ginang at may nakita akung gamit na hawak nito.







" Ito nga pala ang ilang gamit mo. Yong damit ay itinapon ko na kasi puro mantya at sira narin. Nagpunta kasi ngayon si Norman sa police station para alamin kung meron nag hahanap sayo. Para naman kahit papano ay malaman ng mga kamag anak mong buhay ka!"







My Unwanted WifeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu