chapter #34

1.6K 43 0
                                    

Rey's POV..


Na aaliw akong pag masdan sina Anna at Lira na magiliw na nagtitingin tingin sa mga paninda sa bayan.





Eksaktong may tyangge sa bayan kaya naman maraming paninda ang nagkalat sa plaza. Mistulang alalay ang naging lahat ko sa dami ng gustong bilhing kung anu ano ni Lira at syempre wala akung magagawa kundi pagbigyan ang kapatid ko.





Mataman ko din tapunan ng pasimpling titig si Anna. Kung hindi sana ako umalis di sana ay di sya naipakasal ng tito Leon kay Leo . at sana ngayon maaring nobya ko na sya.





"Rey tingnan mo ito oh!"




Tawag sakin ni Anna upang ipakita sakin ang isang ginantsilyong sweater.





"Ang ganda diba?"





"Oo nga maganda sya."




"Oh sayo na ito Rey."





Napamaang ako biglang iabot sakin ni Anna ang sweater. At ngitian ako kaya naman nginitian ko din sya.





"Yan lang ang maibibigay ko sayo para sa ginawa mo sakin."






"Pero OK lang naman at saka wala naman yong ginawa ko."





"Basta bawal tanggihan." Turan nito sabay talikod na sakin upang puntahan si Lira sa kabilang tindahan.






Naiwan ako doon na tinatanaw si Anna papalayo sakin. Wala sa loob na napangiti ako.





"Ang ganda po ng asawa nyo sir. Saka maganda po ang napili nyang sweater para sa inyo."





Nabigla ako sa sinabi ng tindera na matamis na nakangiti sakin. Sa halip na sagutin ay parang kusang sumang ayon ang buong pagkatao sa sinabi nito.





"Salamat po!" Turan ko sabay lakad patungo sa kinaroroonan nila Anna at Lira .






Pagkatapos maglibot libot at mamili ng sandamakmak na kung anu ano si Lira ay sinabi kung sa mismong bahay namin na kami mananghalian.






Pagkatapos mananghalian ay Napahinga muna kami ni Anna sa balkon at doon ay nag kwentuhan ng kung ano anu. Habang si Lira ay magiliw na nilalaro ang alaga kung aso.






Nagpahatid ako ng meryenda para samin ni Anna kay manang Josie. At ng paalis na ito ay may binanggit ito.





"Ah señorito, noong nakaraang linggo nga po pala napadaan po dito si mam Rosella."





"Po?" Bahagya akong nagulat pagka dinig ko sa pangalan ng ina ko.






"Nagbakasakali lang daw sya kung nandito kayo. At ang sabi nya po babalik daw po sya. Kung kelan po hindi nya naman po nasabi."






"Ah sige po manang Josie salamat po."





Parang nawalan ako ng lakas sa kaalaman na anu mang oras o araw ay dadating ang aking ina. At malamang na magtagpo ang mga landas namin.





Yes she's my mom, but she's never been a mother to me or to Lira. Masasabi kong isa syang buhay dalaga sa edad nyang singkwenta ay hindi mo mahahalata dahil inaalagaan ng mabuti ang katawan at dahil sa luho ay nagmukha itong mas bata sa idad nito ngayon .






My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now