chapter #37

1.5K 36 2
                                    

"Nana Belen, Nana! "


Anu ba naman nangyayari sa bahay na ito halos wala akong mahagilap na tao. Iritableng turan ko sa utak ko .



"San' ba kasi nagsipagpuntahan ang mga tao?"


Boryong buryo na talaga ako sa mansion, dahil Wala naman akong ginagawa Kundi ang bumaba, umakyat sa kwarto ko. O kaya'y lumabas kung kinakailangan. Eh halos kulang kulang isang bwan nalang naman ay magbabalik na ko sa showbiz kaya ang ibang scripts at dapat ikabisa ay ipinadala ko na sa San Martin. Halos makasamapong beses na yata itong ikinabisa kaya ayon ng matapos ang ikasampo ay labis na ang pagkairita ko dahil sa paulit ulit na ginagawa ko.




Sabayan pa ng di pag papakita sakin ni Anna na parang Sadyang iniiwasan ako. Kung bakit hindi ko alam, na pabor naman sakin para Wala kaming personal attachment. Pero Bakit parang naiinis naman ako ngayon.



"Tsk! Anu ba naman buhay to oh, napaka tahimik!"






Nang bumaba naman akosa Salas ay wala akong nakitang tao roon. Maging sa kusina at ng tingnan ko ang orasan ay alas kwarto palang naman ng hapon.


Nagpunta rin ako sa likod bahay at doon nya nakita ko ang humihikahos na si Choleng.


"Choleng nasan ba ang mga tao rito sa bahay at wala akong makita kahit isa huh.!"

Bakas ang pagkairita sa tinig ko kaya tumikhim muna ako bago muling nag Tanong.

"Nasaan ba ang mga tao Choleng?"



"Naku Señorito Pasensya na po kayo may kailangan po ba kayo?"

Halata kong di mapalagay si Choleng dahil ang likot ng mga mata nito kaya ako na mismo ang nagtanong.

"Bakit ba parang di ka mapalagay dyan huh. Nagugutom lang sana ako at wala akong makitang tao."


"Ah–– anu po kasi Señorito andoon po kami nila Nana Belen kina Mayet kasi po manganganak po yong bunso nyang kapatid."

"Hu––wat?? –––gulat kong Turan. Bakit di nyo pa dalhin sa ospital or may sa doctor natin dito sa hacienda."



"May problema po kasi  señorito, umalis po ang doctor at si Maila naman po ay biglaan lang po ang pagsakit ng tiyan."




"Oh my! Did they call any doctor? Kahit sa bayan"


"Nagpatawag na po si Nana Belen, sa ngayon po ay si Mam Anna po ang umaasiste kay Maila. Mukhang si Mam Anna na po ang magpapa-anak kay Maila pag nagkataon."



Anu si Anna ang magpapa-anak? Pusible naman yon kasi nurse naman ito at may nalalaman. Pero nang nagiisa lang pihadong nahihirapang ito.  Sa isip isip ko lang.



"Sige na Choleng mukhang may kailangan kang kunin ako ng bahala sa sarili ko."


Agad namang  pumunta si Choleng sa cabinet na pinaglalagyan ng mga first aid kit at may kinuha doon at dali dali ng tumakbo palabas ng mansion.



Dahil na co-curious nga ako, agad kung sinundan si Choleng at natunton ko ang isang maliit na barong barong  kung saan naninirahan ang kapatid umano ni Mayet.


"Señorito anu pong ginagawa nyo rito?"


gulat na tanong ni Mayet, nagsasalin ito ng mainit na tubig sa palanggana.


My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now