Chapter#68

1.3K 21 0
                                    


Anna's PVO.....





Naging abala ang lahat, Ngayon lang ako nakakita sa personal ng shooting. Napaka tagal palang gawin iyon  Minsan sa isang eksena ay inaabot ng ilang oras depende kung mahusay ng artista.





At sa lagay nila Leo, mahuhusay silang gumanap. Palipat lipat nga lang sila ng site. Madalas naman akung tawagan ni Leo sa telepono. Minsan at nag papaabot ito ng sukat kay mang Danny na talaga naman nagpapakikig sakin ng labis.





Madalas at nasa tabi tabi lang ako kasama si mang Danny na ganoon din ang lagay. Napaka lamig sa seoul, Mabuti nalang at binabilhan ko ni Leo ng makapal na coat kung hindi malamang manigas ako sa lamig.




October na kasi at nagsisimula ng mag snow ang ilang lugar sa Korea. At talagang napaka saya ko dahil first time kung makakakita ng snow.





Kakatapos lang ng taping nila Leo at kailangan nilang lumipat ng site. Pero bigla ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya naman naantala ang pag alis nila.





Agad akung tumakbo pabalim ng Van kung saan yon ang ginagamit ni Leo. Inarkila ito ni Leo upang may magamit kami at ako raw. Para di raw ako mahirapan pag nasa site sila.







Medyo nabasa na ako ng ulan at nadismaya ako ng buksan ko ang pinto ng Van ay naka lock ito. Patay na!






Lumingon lingon ako sa paligid at nakakita ako ng isang waiting shed. Kaya lang malayo layo din iyon. Kaya naman ng tatakbo na ako ay may biglang bumukas ang Van at hinila ako papasok.





"Ayyyyyy!" Tili ko pa.






Grabe ang kaba ko, Pero nawala lahat ng iyon ng makita kung si Leo pala ang humila sakin papasok sa loob ng Van.





"Honey basang basa kana tuloy ng ulan."






Turan nito sakin habang pinupunasan nito ng panyo ang mukha kung basa ng tubig ulan.






Bigla kung nakaramdam ng pagkaginaw. Ikaw ba naman ang mabasa ng ulan sa malamig na klima.






Nagulat ako ng kunin ni Leo ang kamay ko at hipan iyon upang mainitan ito. Sige syang ihip dito at ako naman ay nakaramdam ng  kakaibang saya sa ginagawa nito.





"Nilalamig ka pa rin ba?"





"Medyo nga eh."






"Honey tingin kailangan mong magpalit ng damit."





Sa sinabi nyang iyon ay bigla akung nagulat.





"Dito? dito ako magpapalit.!"





Napataas ata ang tono ng boses ko.





"Yes dito!. wait I have a spare shirt here––––,"






Nagsimula itong halungkatin ang likuran ng Van. At mukhang nakita na nga nito ang hinahanap.






"–––– Here I found it! pwede na to pansamantala."





Ipinakita niyo sakin ang isang white V neck shirt. Napalunok ako sa isiping magpapalit ako ng damit kung saan andon din mismo si Leo.



My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now