chapter #46

1.3K 31 1
                                    

Anna's PVO


Maganda ang gising ko ng araw na yon. Siguro dahil nakatulog ako ng maayos kagabi. Nang bumaba ako sa komedor ay nakapag luto na sina Nana Belen at Mayet. At aba ang dating nagsusungit na si Mayet sakin ay ayon at una pang bumate sakin yon



"Good morning mam Anna, nakahain na po pwede na kayong mag almusal."



"Ah.. Salamat Mayet."



Nang tingnan ko sina Choleng at Nana Belen ay nagkibit balikat lamang ang mga ito. Subalit alam kong natutuwa rin naman ang mga ito sa nakikitang Pag babago ng pakikitungo ni Mayet sakin.


Tiningnan ko ang gawi ng upuan ni Leo. Wala pa ito roon. Gusto ko sanang mapabuntong hininga ngunit nasa hapag ako. Kawalan ng magandang asal iyon.



Ngunit parang nabasa ni Nana Belen ang nasa isip ko kaya ito na ang nagsabi sakin kung nasaan si Leo.




"Naku wag munang hintayin si Leo Anna. Nauna na yon kumain kanina magiging busy yon dahil kanina lang ay may dumating na mga papeles galing sa maynila. Ibinigay ko iyon kay Leo kasi baka may importanteng dapat asikasuhin sa mga yon."

"Ah... Ganon po ba? Eh Saka Nana Belen naman hindi ko naman po hinahanap si Leo ah!"


Pag dedeny ko pa! Haysss lakas talaga ng radar ng matatanda anu. >.< Nang matapos akong mag almusal at balak ko sanang maglakad lakad ay biglang nag ring ang telepono. Walang sinuman ang naroon, balak ko sanang tawagin ang sinuman sa mga sakama sa mansion ngunit naroon na rin naman ako kaya sinagot ko na.


"He--hello? Sino po sila?"




"Thanks god its you hija. I'm just trying to reach you but your phone is ringing but your not answering




"Ahh..... Kayo po pala Don Leon, Pasensya na po kayo nasa silid ko po kasi ang telepono ko, nasa komedor po kasi ako kaya di ko po nasagot. Pasensya na po talaga."




Paghingi ko ng despensya dito. Gusto ko sanang tanungin kong kamusta na ba ito at si Lira ngunit agad na itong nagsalita.





"No its OK hija. I called you just to inform you na naipadala pala dyan ni Lovy ang mga papeles about sa lupang tinitirikan ng orphanage. Nailipat na kasi iyon sa pangalan mo."




Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran ni Don Leon. Ibigsabihin ay hindi na mapapaalis pa ang mga taga orphanage at maari na talagang doon na manirahan ang mga taga roon. Labis ang kasiyahan na nadarama ko ngunit biglang kinabahan din sa sinabi ni Don Leon. Kung Bakit ay di ko mawari.

"Ah hija, make sure na hindi makikita ni Leo ang mga yon huh. Lalo na't nakasaad doon ang naging kasunduan natin. Pinagalitan ko na rin si Lovy ng sabihin nyang pinadala nya sa San Martin ang mga papeles na yon. Ang akala nya ay nandyan pa ako noong pinadala nya.Hindi na maawat kasi nasa byahe na raw kaya kita tinatawagan so you can be the first who can get that papers."

Parang nag echo ang mga huling salitang binitiwan ni Don Leon sa telepono. At parang biglang lumawak ang paligid at animo'y nalulunod ako. Hindi maaring makuha ito ni Leo. At mga ilang sandali pa ay nawala na nga sa kabilang linya si Don Leon.


My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now