Chapter #82

1.1K 27 2
                                    






Hindi ko alam kung bakit nakatulala parin ako sa tapat ng TV. At namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko sa mga mata ko.







Bakit ganon nalang ang apekto sakin ng lalaking nasa interview. At bakit ng tawagin nito ang pangalan ng nasabing asawa nito ay bumilis ang kabog ng dib dib ko na parang ako ang kinakausap nya.






Parang may kung anung tinig na nagsasabi saking kailangan kung makita ang lalaking iyon. Aluin ito at sabihin ok lang ang lahat.






" Annie bakit umiiyak ka na naman dyan?"







" Yong nasa tv po nay Conching. Mahal na mahal nya po ang asawa nya no?"







" Sino ka'mo? nako hindi ko naman napanood dahil abala ako sa pagluluto."






" Ah sige po mag luto na po kayo ulit."







At bumalik na nga ulit si nay Conching sa gunagawa nito. Pero bakit ganon kahit tapos na ang palabas ay nasa isip ko parain ang lalaking nag ngangalang Leo San Martin na iyon.







Bakit parang napapabilis nya ng ganito ang tibok ng puso ko. Kahit na artista ito at alam kung suntok sa bwan na maaring magkita kami. O magkakilala kami?







Pero imposible naman na kilala nya ako. Dahil nga sa sikat itong artista.







Maya maya ay may biglang kung anung alaala ang sumingit sa isip ko.






"Honey! Ann----"







Napapikit akung bigla at parang umiikot ang paningin ko. Tapos ay bumilis ang pagtibok ng puso ko ng di ko mawari. Sino ang walang mukhang lalaking lagi kung naririnig na tumatawag sakin.







Tumayo ako at mabilis na pumunta saking silid.







" Annie gusto mo bang kamain na muna? Kasi si Norman ay mukhang gagabihin na naman."







Alam kung tinawag ako ni nay Conching pero dumiretso parin ako saking silid. Dahil kada pikit ko ay nakikita ko saking balintataw ang nakangiting malabong mukha ng isang lalaki na panay ang turan sakin pangalan na parang kapos na di mo mawari.







Norman's POV.....







Nasa opisina ako at kapapatay ko palang ng tv. Kakatapos ko lang panoorin ang interview ng Leo San Martin na yon.







Noong nakaraan ay nagbakasakali akung paimbistigihan ang lalaking yon dahil hindi ako matahimik sa sinabi ni Conching na baka nga raw related si Annie sa lalake. At ng lumalabas sa imbistigasyon ay mukha ngang related ang dalawa.








Kaya nagbakasakali akung magpadala ng ilang larawan ni Annie na medyo malayo at maykalabuan ng kunte. Napapikit ako at binalikan ang araw na iyon.







Few weeks ago...






" Anung ginagawa natin dito Norman?"







My Unwanted WifeKde žijí příběhy. Začni objevovat