Chapter#86

1K 24 3
                                    




Leo's POV....





Papasok nako sa back stage ng may biglang sumigaw ng pangalan ko. Oo marami ang sumisigaw ng pangalan ko aa labas dahil nga mall tour ito. At napakadaming fans ang nasa labas.





Pero ang pamilyar na tinig na iyon ang nagpabalik tanaw sakin sa bulto ng mga tao. Luminga linga ako sa paligid hinahanap ng mata ko ang may-ari ng tinig na iyon. Si Anna yon wala ng iba pa!






Muli akung bumalik sa stage at sinigaw ang pangalan ni Anna.






" Anna!"





" Anna!"






Ngunit sa dami ng tao ay mas umingay ang paligid. At parang mas nagkaroon ng kumusyon.





Npabuntong hininga ako ng malalim at may lumapit na saking isang organizer upang sabihin na bumalik na ako sa backstage dahil lalabs naman daw ang iba png artistang kasam sa mall tour na iyon.





Nang tatalikod na nga ako ay may naaninag ang mata ko sa malayo. Isang babae na kilalang kilala ko ang hubog ng katawan. Palinga linga sa dereksyon ko at may nakahawak ditong isang lalake. Lalaking mistulang inilalayo sya sa lugar.





At ng muling lumingon ito ay mas lalo ko pang napagtanto kung sino ito. Si Anna!






Agad akung tumalon ng stage. Nagsipag sigawan lahat ng mga tao at nais na makalapit sakin.





Pinilit kung sumiksik at nakiusap ako sa mga taong bigyan ako ng daan dahil andoon si Anna. Alam kung sya iyon. Dahil alam ng puso kung sya yon lalo na ng magkatitigan kami sa mata at ngumiti sya sakin.






" Pls, makikiraan, makikiraan lang! I saw my wife so plsss let me pass!"





Ngunit sa dami ng tao ay natagalan ako sa pagtawid. At ng marating ko ang dulo ay wala na ito doon pati na ang kasama nitong lalake.





Alam kung may kasunod na akong mga security dahil ang mga tao ay patuloy na sumusunod sakin. Pero walq kung pakilam sa mga yon. Ang tanging gusto ko lang ay ang makita ang taong hinahanap ng aking paningin.





Naglakad lakad pa ako at pilit hinagilap ang mukha ni Anna sa dami ng mga tao doon. Para akung naghahanap ng isang butil ng karayom sa tumpok ng mga dayami.





Naluluha ako sa dipresyong nadarama ko ngayon. I saw her with my bare eyes. Pero wala akung nagawa! Bigla ko nalang nahawakan ang ulo ko na parang biglang sumakit.





Tapos ay mistulang nabibingi ako sa mga hiyawan at tilian ng mga tao. At ng tumingin ako sa paligid ay para bang umiikot ang buong paligid.





" Anna!!!!!!!!!"





Yon ang huling salitang naisigaw ko bago ako pawalan ng malay.




Annie's POV........




Bigla akung nakaramdam ng kung anung pagkabog ng dib dib. Parang may kung sino ang tumawag sakin na hindi ko mawari. Kaya naman napalingon pa ako saking likuran.





Napalingon ako sa likuran at sa magkabilang gilid ko sa waring may tumawag sakin habang naglalakad kami ni Nay Conching sa parking area.




My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now