chapter #16

1.7K 35 1
                                    




Leo's PVO

This is it! Finally ngayon na ang araw na hinihintay ko. Nandito na ako sa Villa Martina, sa lahat ng mga hotel resort na pag aari namin ay bibihirang magpunta si Dad sa lugar na ito kaya dito ko gagawin ang secret wedding namin ni Ella.

Dahil hindi naman fix season ngayon mangilan ngilan lang ang nagpapunta sa Villa. Kaya tamang tama ang lugar,panahon at tyempo ng lahat. After ng movie na ginawa ko ay humungi ako ng two to three months na bakasyon dahil tuloy tuloy naman ang ginawa kung pag tatrabaho.

On the way na si Ninong Miguel, Isa syang judge. Nakausap Ko na sya at napakiusapan na maikasal kami ni Ella. At sumang ayon naman sya.

Doon ako mananatili sa rest house namin kaya pag doon ako tumuloy tyak na walang makakakita sakin o kung sino man na nagpapunta roin. Dahil meron isang secret way papasok sa dulo ng rest house.

Habang may oras pa ay dito muna ako sa burol. Mag mumuni muni muna ako dahil na paaga din naman ang dating ko. Dahil nga nakabakasyon ako ngayon, lahat ng mga tauhan at mga kasama ko ay pinagpabakasyon ko nadin.

Nasa ganoon akung sitwasyon ng mag ring ang cell phone ko.

Kring....kring.....

Si Donald ang tumatawag, sya ang pinagkakatiwalaan kung head security. Lahat ng lihim na pagkikita namin ni Ella ay kasama ko, kahit si mang Danny ay alam din ang tungkol samin ni Ella pero alam kung maging sya ay tutol sa relasyon ko kay Ella. Hindi lang masabi sakin ng deretsyahan ni mang Danny.

"Oh hello Donald bakit napatawag ka?"

"Ahm, sir Leo may importanteng bagay po akung sasabihin––napakunot noo ako dahil sa tono ng pag sasalita ni Donald. Parang may pag aalangan sa boses nito.

"Anung importanteng bagay ba yan. Diba pinasundo ko sayo si Ella kasama mo naba sya."

"Ah sir anu po kasi–– si miss Daniella po kasi–– naiinis na ako sa hindi pag derekta ni Donald.Umalis po ng pilipinas si miss Daniella kasama po ang P.A nya. Inalam ko po kung saan ang punta, may offer daw po sa Hollywood si miss Daniella at mukhang matatagalan sya."

Sa narinig kung sinabi ni Donald ay parang biglang nanghina ang tuhod ko. Umalis si Ella at hindi alam kung kelan ang balik.

"Ke–kelan pa sya umalis?"nagtatangis na ang mga panga Ko. Pinipigilan ko ang magalit pero yon ang nararamdaman ko ngayon.

"Noon makalawa pa po sir. Kaya malamang nasa America na po sya ngayon." Agad ko ng pinutol ang paguusap namin ni Donald, parang gusto kung itapon ang telepono ko gusto kung magwala. Bakit nagawa ito sakin ni Ella, noong makalawa ay nakausap ko pa sya at sinabi nyang dadating sya sa kasal namin. Yon pala ay nakaplano na ang pag Alis nya.

"Ahh.......! Why Ella bakit mo ito nagawa sakin, nang paulit ulit."

Sigaw ko hindi ko na napigilan ang sarili ko. Noon unang alukin ko sya ay tinanggihan nya ako dahil sa career nya. Tapos ngayon na pumayag na syang magpakasal sakin at nakatakda na ang lahat, ipinagpalit nya na naman ako sa career nya.

Kailangan kung makalimut kahit saglit lang. Sobrang sama ng loob ko ngayon parang lahat nalang ay umaalis at nawawala. Kaya agad akong sumakay ng sasakyan ko at pinaharorot ito paalis sa lugar na yon.

Anna's PVO

Hayssss... Nakakapagod, ayaw ko sanang lumabas ng rest house na ginagamit sakin pansamantala ni Don Leon pero ayon kinausap ako ng staff na subukab daw ang ilang fun activities sa loob ng Villa. Hindi daw pwedeng tumanggi dahil tyak na kagagalitan sila ng Don pag nalaman na hindi nila ako na accommodate ng maayos.

My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now