chapter #38

1.5K 32 1
                                    

Anna's PVO




Makahiga ako sa malambot na kama at maayos ang pakiramdam ko. Wait a minute! Malambot na kama!  Agad akong napabalikwas ng bangon ng mapagtanto kong nasa loob na nga ako ng aking silid.





At ng tingnan ko ang damit kung suot ay iba na ito at napilitan na nga ng mas maayos na pantulog. Napasinghap akong bigla at agad inalala ang mga nangyari.





Agad ko namang naalala ang lahat, maayos kung naipalabas ang sanggol at maayos na naibigay sa ina nitong si Maila. Sa tinagal ng pagle-labor nito ay maayos namang nakalabas ang bata. Tapos dumating si Leo at di ko alam ang gagawin ko dahil nakatitig ito sakin, sa paraan ng pagtitig nyang iyon ay parang may kung anung kilabot o kuryente akong nadama.





Ewan ko ba parang bigla kong naisip na sa oras na mag ka-anak ako ay narotoon din ang ama ng mga magiging anak ko at walang iba kundi si Leo. Sa naisip ko ay parang bigla akong kinilabutan. Eh basta ewan kong anung pakiramdam yon. Kaya Agad kong ibinaling kay Maila ang atensyon ko at inilapag ang napaka gandang sanggol.





Pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at pagdilim ng paligid. At ang huli kong naaalala ay ang mga bisig ng isang matiponong lalake ang bumubuhat sakin.






Pilit kung inaalala ang kung sinong iyong bumubuhat sakin. At dahil na rin sa kapaguran at kapanatagang naramdaman ko ay di ko na nagawang imulat pa ang mga mata ko upang tingnan kung sino ito.





"Haysss kaloka naman !" Naibulalas kung bigla sabay sa pag gulo ko sa aking buhok. Dala na rin siguro ng frustration sa kakaisip.





"Ganyan ka ba talaga ka- werdo pag bagong gising ka huh!"




Bigla akung natigilan atnahigit ang aking paghinga ng mapagtanto ko ang kung sinong nagsalitang iyon.OMG >.< wag naman sana si Leo.




Pero huli na ang lahat dahil ng tingnan ko, ay bigla akong napalunok at di alam ang gagawin kung tatakbo, tatalon o maglalaho nalang sa harap ni Leo.





"Ewan ko ba pero parang pa-werdo ka ng pa-werdo habang tumatagal."



Turan nito habang papalapit sakin at bigla ang pag-upo nito sa kama ko sabay sa paghaplos nito sa buhok kong ginulo ko lang kani-kanina.





Natigilan ako sa ginawa nya, Kakaiba talaga ang pakiramdam ko parang may iba talaga. At ang pesteng puso ko ayon at rumaragundong sa pag tibok. Waring gusto pa atang lumabas sa dib dib ko upang makita ni Leo na labis akung ––kinikilig.





"Anu–––anu–––anung gi–––ginagawa mo sa kwarto ko?"



Tsk anu ka ba naman Anna , nauutal ka pa talaga. Lalo ka lang tuloy  mahahalatang natetensnya  ka sa harap nya. Singit ng isang bahagi ng utak ko.




At sa halip na sumagot ay ngumiti lang ito. Na labis na nagpapabilis pa ng husto sa pagtibok ng puso ko. Grabe talaga nag papacute ba sya sakin? O Feelingera ka naman Anna ang aga aga!





" hmmmm mukhang OK ka na nga! Kagabi lang eh pinag alala mo ako tapos nakatulog ka na ang dumidumi pa ng damit mo buti nalang––––"




Bigla ang paglaki ng mga mata ko, Sabay tingin sa suot kong damit. Di magkapares ang suot kong pantulog. Tapos tinapunan ko ng tingin si Leo at ang ngiti nito kanina ay nauwi sa pag ngisi na nagpakilabot talaga sakin ng sobra.





My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now