chapter#4

2.6K 50 0
                                    


This is it!, mag aapply na ako ng trabaho ngayon. At sana suwertehin ako at matanggap.

Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin at mukhang OK naman at mukhang kaaya aya naman ang suot kong long sleeve ng puti at black na skirt at syempre doll shoes na itim.

"Oh my gosh friend, yan ba ang susuotin mo sa pag aaply ng work?"

"Oo Julie bakit pormal naman ang suot Ko at naaayon sa trabahong aaplyan ko."

"Don't get me wrong friend huh, kasi dito sa manila first impression last. Dapat unang apply palang kabog na, para pag madami man kayong nag apply ikaw ang matatandaan ng pag aaplyan mo."

"Don't worry Julie, I'll do my excellent work to make them impress."

"Ok nakalimutan ko pala na ikaw yan Alianna Cruz our class valedictorian."

Hindi ko alam kong nang aasar si Julie oh nang uuyam. Hayssssss(-_-)

@MakatiTowers

"Ok friend dito na ba yong prospect mong company na pag aaplyan in fairness huh sikat ang kumpanyang ito."

"Oo Julie, ayon kasi sa Adds na nabasa ko! na ngangailangan sila ng isang nurse, at urgent daw ."

"Naku friend sana matanggap ka noh! Para hindi ka na talaga babalik sa province natin hehe!"

Naiiling nalang ako sa sinabi ni Julie. Pumasok na ako sa naturang building, napaka taas ng building na ito sa nabasa ko nasa mahigit apat napo ang palapag at halos kalahati ng building ang ukopado ng San Martin group of companies na pag aaplyan ko. At may iba pa daw sangay ang kumpanya.

Gaya ng mga super markets, banks, real estate, kung anu anu pa. Grabe sigurong yaman ng taong may ari nito.

"Julie dito mo na ako iwanan, mukhang mahabang antayan kasi ito oh!"

Nakita namin ang haba ng pila, ewan Ko kong ang mga nakapilang iyon ay mag aaplay din sa pag aaplyan Kong posisyon oh may iba pang department ang nangangailangan ng bagong tao.

"Ok lang friend, anu kaba! Kaya nga kita sinamahan diba.. Oks lang to carry ng beauty Ko ang mag wait sayo."

"Sure ka?"

"Off course!,  sige na pumila kana."

At pumila na nga ako upang ipasa ang resume' ko. Pagpasa palang ng resume' ay inabot na Ko ng halos damping minuto sa habang ng pila. Paano pa kaya pag iniinterview na ako!(-_o)

Mabuti nalang at girls scout ako, nagbaon ako ng candy ay tinapay syempre may tubig din hehehe. Para hindi nako umalis pa sa pila.

At ng magawi ang tingin ko sa isang aplikanteng lumabas sa opisina Kong saan iniinterview ang mga nag aaplay ay bigla ang pagdagsa ng kaba sa dib dib ko. Medyo luhaan ang babae na mukhang Hindi na tanggap.

My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now