Chapter #67

1.4K 27 0
                                    




Daniella's POV.....





Sabi na eh may something sa babaeng yon at si Leo. Ngayon ay nandito ako sa tapat ng building kung saan naroon ang condo unit ni Leo.




Sa party palang ay labis labis ang pagpipigil ko sa sarili ko ng wag maapektuhan sa mga nakikita ko.




Di ako nagparamdam kay Leo since that day. Nang magsabi si Leo na tuluyan na nyang tatapusin ang namagitan samin ay labis talaga akung nasaktan.





To the point na gusto ko ng mag wala in public. Ang kaso napigilan lang ako ni Amanda nung one time na muntikan akung magwala sa isang club.




Kahit papaano pala ay mat pakinabang din sakin ang babaeng iyon. Kahit na uto uto eh napapakinabangan naman.





Nagngangalit ang ngipin ko sa galit. Kakaiba ang mga tingin ni Leo sa babaeng iyon at ang buong akala siguro nito at di ko napapansing na nagngingitian silang palihim. At kanina nga nakita ko silang dalawa na papaalis kaya minabuti kung sundan sila at dito nga ako humantong.





"Sino ka ba talaga Anna Cruz?"




Usal ko ng maya maya ay may biglang pumasok sa isip ko na isang teyorya.





"Hindi kaya sya ang babaeng napangasawa ni Leo!"





Mariin akung napakapit sa manebela ng sasakyan ko. At makaulang humugot ng malalim na pag hinga. Ang walang hiya balak pa talagang itago sakin ang pagkatao ng napangasawa nya.






"Hindi mo pwedeng gawin ang ganto sakin Leo, Pwes! hindi ako makakapag na basta basta mo nalang akung i-itsipwera. Mas maganda, sexy At mas seductive naman ako doon sa babaeng iyon. Nagpanggap pang personal nurse nya!"




"Babawiin kita sa kanya! babawiin kita Leo ipinapangako ko yan!"





Umiiyak ko sa loob ng sasakyan ko. Kinamumuhian ko ang bagong babae na nagpahiwalay samin ni Leo. Lahat ginawa ko para mawala sa landas ko si Alianna. Kaya naman magagawa ko ding mawala sa landas ko ang babaeng iyon.





after 2 fast week....





Leo's POV......





Naging busy ang mga nagdaang araw at lingo. Pero di ako napapagod dahil pag umouwi ako ng bahay ay may naghihintay sakin na masarap na hapunan at ang asawa ko laging nakangiti pag nakikita ako.





Naging abala ako sa mga business na ipinamahala sakin ni Dad. Inaayos kung lahat ng iyon dahil nga mawawala ako ng halos isa't kalahating bwan. Dahil na rin sa movie na gagawin namin sa Korea.




Kaya naman lahat ay pina- finalized ko pati na rin ang hacienda, malimit rin akung pumupunta doon. Ngayon nga ay kakalapag lang ng helicopter namin sa helipad dahil galing ako doon para dahil tag anihan ng buong hacienda.





Pasado ala una ng madaling araw. Lowbat pa ang cp ko kaya di ako nakatawag kay Anna na baka ma-late ako ng uwi. Gusto ko ng makita ang asawa ko na tatlong araw ko ng di nakakasabay kumain. Dahil madalas na madaling araw na ako kung makauwi.





My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now