chapter #27

1.6K 35 0
                                    


Ten years ago... Writer here!

"Po! Bakit po ako sister, I mean mother ...."


"Kasi nga Alianna ikaw ang nakikita sa kanyang mas safe if hindi ibang tao pa ang makakaalam ng tungkol sa kanya baka malagay pa sya sa panganib."



"Naiintindihan ko po mother, pero po pag nagising na sya anu pong gagawin ko. Paano po kung masamang tao po pala sya!"



"Alianna anak, hindi ba nasabi na namin sainyo na kahit na sino la ang nangangailangan ng tulong ay dapat syang tulungan. Mapamasa man ito oh hindi. At nasa taong iyon na kung paano nya tutugunin ang pag tulong natin sa kanya."



Tumango tango naman ang dalagitang si Alianna.



"Kaya nga diba hindi ka nag atubing tulungan ang binatilyo na iyon dahil alam kung nasa puso muna ang mga pangaral namin sainyo."



"Hindi ko na po naisip ang mga bagay na yon mother, basta po ang nasa isip ko eh kailangan nya ng tulong."


Napangiti si mother superior sa tinuran ni Alianna, kung malalaman lamang ni Alianna na labis na ipinagmamalaki sya ng madreng ito dahil sa kabutihan ng puso ng dalagita.





Matapos kausapin at sabihin ng supiryora na kailangan na habang hindi pa nagkakamalay ang panauhin nila ay walang ibang pwedeng makaalam na may bisita sila.





Agad lumabas si Alianna at tinungo ang kusina kung saan naroon si Sister Mirasol. At napansin nyang merong isang tray sa lamesa na naglalaman ng katulad ng kumain nila kanilang tanglian. Ang pinagkaiba nga lang ay may mainit na sabaw ito.





"Nandyan kana pala Alianna, tamang tama ang dating mo dahil naihanda ko na ang tanghalian ng bisita natin. Kung pwede ikaw na ang naghatid nito sa kubo ni ka Abet."





"Sige po!" Sagot naman ni Alianna na parang may himig ng pagka-excite.






"Ikaw na bahalang mag alaga sa bisita huh, nurse Alianna!"







Nagulat pa ang dalagitang Alianna sa tinuran ni sister Mirasol. Sinagot nalang ng ngiti ni Alianna ang pagkalito kung bakit nurse ang tawag sa kanya. Ang hindi lang alam ni Alianna ay iyon naman talaga ang magiging propisyon nya in the future.






Habang naglalakad ay pina-practice ni Alianna ang sasabihin sa binatilyo kung sakaling nagising ito.






"Magandang hapon, kamusta ka?.-- Sabay iling ni Alianna. Naku masyadong friendly eh hindi pa naman kami nagkakilala eh. Dapat sigurong kung kaswal lang. Tama yong tipong nakikipagkilala lang."






At hindi namalayan ni Alianna na nasa tapat na pala sya ng kubo ni ka Abet. Kakatok na sana sya ng biglang bumukas ang pinto. Nabigla pa si Alianna ng ang nagbukas ng pinto ay ang bisita nila. Ang halat ng pinac-tice nya ay naglaho lahat. Napalunok si Alianna at mistulang na tulos sa kinatatayuan.







"Sino ka?" Tanong nito sa kanya na parang patalim ang mga mata sa bagsik na nakikita ni Alianna.






My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now