Chapter#60

1.5K 31 0
                                    

Anna's PVO...




Mabilis lumipas ang araw na parang sakin ay napaka bagal naman nito.




Bumalik na sa lime lights si Leo, ngayon nga sa kanyang pag babalik sa showbiz ay may gagawin kagad itong Pelikula. Samo't sari ang mga guesting nito sa mga iba't ibang programa sa telebisyon.





Nakakatuwang isiping nagbabalik na ito sa dating pamumuhay. Matapos ang mga nangyari samin ay nagpapasalamat ako na bumalik na si Leo sa manila. Dahil talagang di ko alam kung papano ko ito haharapin o kakusapin. "hayssss"At ako naman ay naiwan dito sa San Matin.





Isang bwang mabilis rin ang nakaraan ng maospital si Leo. At ng makalabas ito ng ospital ay namalagi lang ito sa mansion ng dalawang araw at sa mga araw na iyon ay di man lamang kami nagpangita ng personal.






Sa bintana ko lang sya nakita nung araw nababalik na ito ng maynila at yon ang huling beses ko syang nakita ng personal. Muntikan pa nya nga kong mahuling tinatanaw ko sya bago ito sumakay sa kotse. At sa ilang iglap lang ay tuluyan na nga iyong umalis.






Dahil kay Leo ay napapadalas na rin ang pagpapanood ko ng telebisyon at pagbabasa ng dyaryo. Upang makibalita na rin sa kanya kung anu na ba ang kalagayan nito. Nung una ay naka cass pa ang braso nito pero nung nakaraang araw na napanood ko ito ay wala ng suot itong cass. At masaya ako na ok na ang braso nito.





Nasa sala ako ngayon at nagbabasa lang ng libro, kakatapos lang kasi ng pananghalian at medyo nakakaramdam ako ng antok. Kaya ibinaba ko ang libro upang sana ay maghinat ng biglang nag ring ang telepono.






Pag ganoong oras kasi ay hinahayaan ni Nana Belen ng mag tyesta ang mga kasama sa bahay kaya naman ng maka-ilang ulit na itong mag ring ay ako na mismo ang sumagot.






"Hello! sino po sila? hello?"






Hindi sumasagot ang nasa kabilang linya, kaya naman minabuti kong tanungin muli kong sino ito at ng tumikhim ito ay bigla nalang ang pagdagsa ng mabilis na tambol sa dib dib ko. At napalunok pa ako. Tumingin ako sa paligid at natanto kung ako nga lang ang tanging taong nandoon. Kaya naman hindi ako namamali ng pandinig.






"Hel---lo?" Ulit kong muli.





"Hello Anna!"






"OMG! Si Leo nga! anung sasabihin ko sa kanya?






"Hello Anna ikaw bayan?"





"Ah Oo , ako nga!"






Tsk! Anu ba naman yan Anna! Para kang sira kamustahin mo naman sya habang nasa kabilang linya pa sya.






"Napatawag ka? Kilangan mo bang kausapin si Nana Belen teka lang tata---",






"No! I mean hindi si Nana Belen ang gusto kong makausap kundi ikaw!"






Oh my gosh! , Anu daw? " Nabingi na si Anna. Singit ng osang tinig sa utak ko.






Ganon padin ang mabilis n pagtambol sa dib dib ko lalo na ng sabihin nyang ako ang gusto nyang makausap. Hinawakan ko pa ang dib dib ko upang damhin ang mabilis na tibok ng puso ko.





My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now