chapter #44

1.3K 29 2
                                    

Continuation......



"Siraulo ka talaga! Bakit mo pinaputukan eh kung may makarinig sa putok ng baril edi may makakaalam at magsusumbong nyan sa mga parak. Tapos mapupornada nanaman ang pakay natin dito."





"Eh nakakairita na boss! Saka baka Wala talaga dito ang San Martin na yon, baka naman pinagloloko lang tayo nong nag tip sa atin na nandito ang San Martin na yon. Boss ."



"Kung nandito man sya ay di mabuti, sa tinagal natin sa lugar na ito nandito lang pala ang mokong na yon. At kung niloloko man tayo ng batang yon edi malilintikan sakin yon."





Sa di kalayuan ay nakamasid parin si Leonard sa mga ito, nabuhayan sya ng loob ng makita nyang gumalaw si ka Abet.





"Thanks god his alive." Aniya sa sarili, pero alam ni Leonard na baka malala ang lagay ng matanda.





Naisip ni Leonard na mukhang hindi pupunta si Alianna gaya ng ginagawa nito para dalhan sya ng makakain. Kaya naman napagpasyahan nyang pupunta sya ng bayan upang humingi ng tulong at ng natawagan nya na rin ang Daddy nya para humingi ng iba pang tulong dahil alam nyang maimpluwensya itong tao. Kaya madali para dito ang nakakuha ng anumang saklolo.





Ngunit ng tatalikod palamang sya ay nakita na nya ang pigura ng kanina ay inaabangan nya lamang. May dala dala itong tray at mukhang di pa ito napapansin ng mga lalaking armado. At maging si Alianna ay di pa napapasin ang mga ito.





Agad syang tumakbo sa gawi ni Alianna at madali nya itong hinatak. Upang sana ay ikubli sa mga armadong lalake. Ngunit sa ginawa nya ay nagulat ito at napatiling bahagya dahil sa gulat.





Dahil doon ay nakita sila ng mga lalaking armado at tinawag ang ilan pang kasamahan.





"Boss ayon sya!"





"Hala habulin ninyo anu pa bang hinihintay nyo!"





My Unwanted WifeWhere stories live. Discover now