chapter #20

1.8K 39 0
                                    


Leo's PVO





Hindi na kami tumuloy sa dinner na inihanda ni dad para sa pag celebrate daw umano ng kasal namin ni Anna. I mean ng asawa ko. Ngayon nga ay binabaybay na namin ang daan pauwi sa bayan ng San Martin.




Nabigla ako ng sabihin ni Dad na sa San Martin kami tutuloy ni Anna, may naramdaman akung kaunting panibogho sa puso ko ng sabihin ni Dad na doon ko iuuwi si Anna. Ang balak ko noon ay doon kami titira ni Ella matapos ang kasal namin. Ngayon ay doon ko ititira ang unwanted wife ko na ngayon ay mahimbing na ang pagkakatulog.





Napangiti ako bigla, ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng ganito. Nagsimula ito kanina ng makita ko ang babaeng pakakasalan ko ng wala sa oras. Wearing her beautiful wedding dress a simple make up ay talagang natigilan ako bumukas ang pinto. Mistulang nag slow-mo ang lahat.




Ngunit bigla nalang naging kengkoy ang lahat ng mawalan ito ng balanse ang muntik ng masubsub dahil naunahan syang buksan ni Dad ng pinto. Hindi ko talaga maiwasan na hindi mangiti at titigan ang namumula ng pisngi ni Anna.





Ngayon heto na nga ang babaeng estranghero na ngayon ay asawa ko na. Hindi ko napigilan na tingnan ang mga labi nya na kanina ay nadampian ng mga labi ko. Very sweet and innocent.

"Sir napaka ganda po ng misis ninyo." Si mang Danny




Napatingin ako sa kanya at nakita na nakangiti si mang Danny. Hindi nalang ako sumagot sa sinabi nya dahil biglang nagmulat ang itinuturan nito. Agad itong nag ayos ng upo at naglinga linga sa paligid.




Napatingin sakin si wife, at nanlaki ang mata na parang hindi pa makapaniwala na nakita ako.



"Saan na tayo?"



"Ay, mam malapit na po tayo sa hacienda, actually po nasa hacienda na po pala tayo."

Sagot ni mang Danny, halata ko na nagiiwas itong tumungin sakin kaya naman hindi ko naiwasang hindi mangiti.

"Malapit na tayo sa ancestral house namin, tumungin ka sa kaliwa mo para makita mo kasi."

Hindi ko talaga maiwasang mangiti dahil hindi talaga ito tumungin sa kaliwang bahagi, kasi naman sa kaliwa ako banda nakaupo.

Anna's POV

Hindi ko talaga namalayang nakatulog pala ako sa byahe. Dahil sa halos pagabe na kami bumyahe pauwi sa bayan ng San Martin ay tinangay talaga ako ng matinding antok.

Kung hindi pa umalog ng bahagya ang sinasakyan naming kotse ay hindi pako naaalimpungatan at mapapatingin sa labas ng bintana. At nakita ko sa repleksyon ng bintana ang napangasawa ko. Ang buong akala Ko pa naman ay panaginip lang ang lahat kaya naman agad akung humarap at nakita kung totoo sya.

Mejo nagulat talaga ako, oo na as is nagulat talaga ako dahil saking panaginip ay nandoon ang lalake. At ito nga't hindi pala panaginip ang lahat kundi pawang katotohanan.
Nagtanong ako kay mang Danny na nakilala ko lang kanina na nagpakilalang personal driver umano nitong asawa ko.

Magaan kaagad ang loob ko kay mang Danny, kaya naman sa kanya ako nagtanong kung nasaan na kami. Nasabi nyang malapit na raw kami, pero nasa loob na daw kami ng mismong hacienda. Kung ganon napakalaki pala talaga ng hacienda ng nga San Martin.

Gusto ko sanang tumungin sa kaliwang bahagi dahil pakiramdam ko ay mas malinis ang bahaging ito at madaming naninirahan, kasi dito sa pwesto ko ay pailan ilan lang ang ilaw na nakikita ko. Parang pulos dami oh halaman yon, siguro madilim nalang talaga kaya ganun. Ang kaso nga nasa kaliwa ko ang bago kung asawa.

My Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon