Chapter 34

102 3 0
                                    

Nag-aagahan si Ali at Alex kasama si Lucia. Lumapit si Reb sa kanila saka may sinabi ito kay Alex na hindi naririnig ni Ali.

Alex: Anak, ubusin ninyo ni Lucia ang pagkain ninyo pagkatapos pumasok kayo sa kwarto para makapag-toothbrush ulit.

Ali: Ayoko po, Papa. Masakit po kasi ang ngipin ko.

Alex: Kailan pa yan sumasakit?

Ali: Noong isang araw pa po.

Lucia: Sinabi ko na nga po sa kanya na ipatingin na sa dentist pero natatakot siya kasi masakit raw bunutin ang ngipin.

Alex: Nasaan si Arman? Hindi pa ba siya gising?

Reb: Pupuntahan ko na nga po sa kwarto niya.

Alex: Papasokin mo na lang yong bisita ni Arman at ihatid sa kwarto nito para makapag-usap na muna sila, pagbalik namin nang mga bata kakausapin ko silang dalawa. Ali, Lucia ubusin ninyo ang pagkain at babalik rin ako kaagad, may kukunin lang ako sa opisina.

Isinama ni Reb si Sarah papasok nang palasyo.

Sarah: Pasensya ka na, Reb. Nag-aalala kasi ako kay Arman, hindi kasi niya sinasagot ang mga tawag ko kagabi kaya lumuwas na ako.

Reb: Baka nakatulog lang siya kaya hindi niya napansin ang mga tawag mo. Ito na yong kwarto niya, kumatok ka lang. Siguradong magugulat siya kapag nakita ka niya, maiwan na muna kita.

Sarah: Sige, salamat.

Umalis na si Reb at kumatok naman si Sarah sa kwarto ni Arman pero napansin niyang nakabukas ito kaya pumasok na siya para surpresahin ang lalaki. Pagpasok niya sa kwarto ay nagulat na lang siya nang makita mismo si Arman na may katabing ibang babae at hubo't hubad ang mga ito.

Sarah: Mga hayop kayo!!! Hayop!!!

Nagulat si Arman nang makita si Sarah na umiiyak sa harapan niya at sumisigaw, nagising naman si Sylvia na kaagad tinakpan ang katawan nito na nagulat sa nangyari.

Arman: Sylvia? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Sarah? Sarah, magpapaliwanag ako.

Sarah: Niloko mo ako!! Sinungaling ka!!! Manloloko!! Wag ka nang magpapakita sa akin, manloloko ka! Kayo mismo nang babaeng yan ang magpakasal!

Itinapon ni Sarah ang engagement ring niya kay Arman at umalis ito, kaagad na sinundan ni Arman si Sarah na paalis doon. Kalalabas naman nina Alex kasama ang dalawang bata para umalis pero naabotan nila si Arman at Sarah na nag-aaway.

Arman: Sarah, hindi ko yon magagawa sayo. Hindi ko alam kung paano napunta si Sylvia sa kwarto ko, hindi ko siya ginalaw.

Sarah: Hindi ako tanga, Arman! Nakita ko kayong magkatabi sa kama, hindi maaaring walang nangyari sa inyong dalawa. Siya na lang ang pakasalan mo! Kalimutan mo na ako!

Arman: Ikaw ang mahal ko, Sarah!

Sarah: Ako ang mahal mo pero iba ang kasama mo sa kama, magsama kayong dalawa!

Alex: Wag ninyo siyang palalabasin.

Natigilan sila nang magsalita si Alex.

Alex: Mag-usap tayo sa loob, ipatawag ninyo si Sylvia. Ali, Lucia, maghintay na muna kayo sa garden. Reb, samahan ninyo ang dalawang bata.

Napatingin naman si Ali kay Sarah na napatingin sa kanya, ngumiti si Ali na kinuha ang panyo niya saka lumapit sa babae.

Ali: Punasan po muna ninyo ang inyong mga luha, isipin niyo po sanang mabuti kung anong sinasabi ni Tito Arman saka po kayo mag-desisyon kung ano dapat ang gagawin ninyo. Hindi po kasi matatapos ang isang problema kung hindi kayo hihinahon, kayo rin po ang masasaktan sa huli kapag nakapag-desisyon kayo kaagad.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now