Chapter 4

307 8 0
                                    

Dinala na muna nila si Ali sa ospital para maipagamot ang ilang pasa nito. Nasa labas pa si Alex at bumili nang gamot ni Ali, naiwan naman si Diego kay Ali.

Diego: May sinabi ka ba sa Nanay Tessa mo nang sabihin niya sayo na hindi siya ang Ina mo?

Ali: Wala na po, umalis na lang po ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Pero narinig po nina Jessie ang mga sinabi niya.

Diego: Oo nga eh, narinig rin nila kung sino ang Ama mo dahil na rin sa galit ko kanina. Ali, naaawa na ako sa Ama mo. Bakit hindi ka na lang magpakilala sa kanya?

Ali: Makakabigat lang po ako sa kanya. Masaya naman po ako na makakasama ko siya ngayon at mas makilala pa nang lubusan.

Diego: Ali, wag mo namang pahirapan ang sarili mong ama.

Ali: Hindi ko naman po siya pinapahirapan, ito rin naman ang gusto ni Mama noon, ang hindi malaman nang sarili kong Ama kung sino ako para hindi ako madamay sa problema nang kanilang mga pamilya.

Diego: Patawarin mo sana kami, pati ikaw nagtitiis nang ganito.

Ali: Nasanay na po ako na nagtitiis, ang mahalaga po ligtas ako, di po ba?

Naaawa si Diego sa batang babae na nakangiti naman sa kanya. Bumalik na si Alex na may dalang mga gamot para kay Ali.

Diego: Maraming salamat dito, Alex. Talaga ba'ng ayos lang sayo na doon na muna sa inyo titira si Ali kahit pansamantala? Baka kasi magalit na lang si Ma'am Camila kapag nakita niyang may bata kang kasama.

Alex: Ayos lang naman si Mama sa mga bata, mabuti nga at may bata sa mansion. Masyado na kasi tahimik doon simula nang atakihin si Papa kaya nga ayos lang na doon tumira si Ali.

Ali: May mga magulang pa po pala kayo, Tito Alex?

Alex: Oo, makikilala mo rin sila mamaya.

Diego: Ali, wag kang masyadong maingay doon o kahit na mangusisa sa mga tao. Masyado ka pa namang curious sa mga bagong nakikita mo at lage kang magpapaalam kay Tito Alex mo kung saan ka pupunta, pansamantala lang ang paninirahan mo doon habang mainit pa ang ulo nang Nanay Tessa mo.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now