Chapter 17

118 2 0
                                    

Natulala si Anna nang makita ang Governor na nasa harapan niya.

Ali: Teacher Anna? Teacher Anna!

Anna: Ha? Pasensya na po kayo sa akin, nakakahiya tuloy sa inyo. Akala ko kasi anghel kayo na bumaba sa lupa. Ay naku! Ano ba kasi ang pinagsasabi ko, pasensya na po kayo ulit.

Alex: Hindi, ayos lang. Sinusundo ko na ang anak ko kasi may pupuntahan pa kami.

Anna: Opo, Gov. Kanina pa nga siya naghihintay sa inyo dito. Bye Ali, see you tomorrow.

Ali: Bye, Teacher Anna.

Nahihiya si Anna na nakangiti pa rin sa lalaki. Nasa sasakyan na ang mag-ama at may tinitingnan naman si Alex sa phone niya.

Ali: Papa, parang bagay po kayo ni Teacher Anna.

Natigilan si Alex sa sinabi ni Ali, natatawa naman sina Fred at Arman saka napatingin si Alex sa kanila kaya sila natahimik.

Alex: Bakit mo naman nasabing bagay kami nang Teacher mo? 

Ali: Kasi po pareho kayong naglilingkod sa mga mamamayan nang probinsyang ito, pareho po'ng marangal ang trabaho ninyo.

Alex: Hindi kaya magagalit ang Mama mo sa akin kapag pinalitan ko siya sa puso ko?

Ali: Hindi naman po siguro kasi po maiintindihan naman ni Mama kung bakit kinakailangan ninyong magmahal ulit.

Fred: Kahit na anong dahilan ninyo, Gov. Matatalo lang kayo nang anak ninyo, kaya wag na kayong maghanap nang dahilan pa.

Arman: May point nga naman si Ali, Kuya.

Alex: Wala na ba talaga akong kakampi sa inyo?

Natatawa si Ali sa kanyang Ama na pinagkakaisahan nang lahat. Dumating sila sa isang restaurant, napapatingin si Ali sa paligid dahil sa laki nang lugar.

Ali: Papa, hindi po ba tayo kakain sa bahay?

Alex: May mga kausap kasi ako dito kaya dito na rin tayo kakain, pumili ka na nang kahit na anong gusto mo para makakain ka na. Ayaw pa naman nang Lola mo na nalilipasan ka nang gutom. Dito ka na muna umupo kasama ang Tito Arman mo, sandali lang ako.

Mahahalagang tao ang mga kausap ni Alex sa isang malaking table at ilan ay mga kilalang tao nang bansa na gusto siyang makausap.

Arman: Totoo nga talaga ang balita, ano? Kukunin si Kuya para tumakbong Senador ngayong eleksyon, hindi ba gusto niyang maging congressman na muna?

Fred: Hindi mo ba alam na ang Presidente mismo ang nag-kumbinse kay Governor na tumakbong Senador? Kaya nga kausap niya ang mga taong ito para makapag-desisyon na si Governor Alex.

Ali: Bakit nagdadalawang-isip si Papa, Tito Fred?

Natigilan ang dalawang lalaki na hindi nila napansin si Ali na nakikinig pala sa kanilang pinag-uusapan kaya parehong natahimik ang dalawa.

Fred: Ali, hindi ba't masama ang nakikinig sa usapan nang matatanda?

Ali: Malalaman ko pa rin naman yan dahil sasabihin pa rin yan ni Papa sa akin kaya nagtatanong na ako sa inyo para hindi na mahirapan si Papa na magpaliwanag mamaya.

Arman: Talagang mapapagalitan na kami sa ginagawa mo, Ali. Makinig ka na lang at wag ka nang magtanong, ubusin mo na ang pagkain mo.

Napatingin si Ali sa kanyang Ama na napatingin rin sa kanya. Sa pag-uusap ni Alex at nang ilang opisyal nang gobyerno, napatingin siya kay Ali na kumakain.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now