Chapter 7

292 8 0
                                    

Nagising si Ali na nasa tabi ang kanyang Ama, hawak nito ang kanyang kamay at mukhang nakatulog na lang sa pag-aalala sa kanya.

Ali: Papa? 

Nagising si Alex na masayang makita ang anak, kaagad niyang hinaplos ang pisngi nang anak saka hinalikan ang kamay nito.

Alex: Salamat sa Diyos at gising ka na, masakit pa rin ba ang pisngi mo? Kasi tatawag ako nang Doktor para matingnan ka ulit.

Ali: Ayos lang naman po ako, wag na po kayong mag-alala sa akin. Pasensya na po pala kayo sa nangyari kahapon, hindi ko po sinasadyang mabasag ang figurine ni Lola Camila.

Alex: Kaya kong palitan nang mas malaki at mas mahal na figurine ang nabasag mo pero hindi naman kita mapapalitan kapag nawala ka sa buhay ko. Patawarin mo ako, anak. Hindi na naman kita naipagtanggol, napapahamak ka tuloy dahil sa akin. Dahil sa mga nangyayari ngayon na hindi ko kayang kontrolin, napag-isipan kong ibalik ka na muna sa Nanay at Tatay mo para mailayo ka na muna sa mga kaguluhan dito.

Ali: Pero po, nangako kayong hindi tayo magkakahiwalay at hindi ninyo ako ibibigay sa iba, mananatili lang ako sa inyong tabi, hindi po ba?

Alex: Oo, tutuparin ko ang ipinangako ko sayo. Pero sa ngayon, ayaw ko lang na nadadamay ka sa mga nangyayari sa akin. Marami akong kalaban ngayon at ayaw kong pati ikaw mapahamak dahil sa akin.

Ali: Papa, ayaw ko po'ng umalis sa tabi ninyo.

Napaiyak si Ali nang sabihin iyon sa kanyang Ama, naaawa naman si Alex na hinaplos ang mga luha nang anak niya.

Ali: Kayo na lang po ang natitira kong magulang, ayaw ko po'ng pati kayo mawala sa akin. Papa, hindi na po ako magdadala nang problema sa inyo, kung gusto ninyo hindi na ako lalabas sa kwartong ito, wag niyo lang akong ilayo sa inyo.

Alex: Taha na, wag ka nang umiyak. Natatakot lang akong mapahamak ka kaya naisip ko yon, alam mong walang kapantay ang pagmamahal ko sayo. Hindi ko kasi kayang nakikita kang nagtitiis, anak.

Napayakap si Ali sa kanyang Ama na tumulo rin ang mga luha.

Ali: Darating rin po ang araw at matatapos rin po ang lahat nang paghihirap natin, magiging maayos rin po ang lahat, wag lang po tayong mawalan nang pag-asa.

Naalala ni Alex si Sophia dahil sa sinabi ni Ali, tulad ni Pia noon ito rin ang nagbibigay nang pag-asa sa kanya sa kabila nang hidwaan nang kanilang pamilya. Naghahanda na si Alex para sa kanyang Oath taking bilang bagong Governor nang Sevilla, lumabas naman si Ali na napakaganda sa kanyang blue dress.

Alex: Wow! Ang ganda-ganda naman nang anak ko! Sino ang pumili niya'n para sayo?

Ali: Si Lola Camila po, nagtalo pa nga po sila ni Lolo Miguel kasi gusto po ni Lolo yong kulay pula, pero gusto po ni Lola ito kesa sa pula.

Alex: Ang laki na talaga nang anak ko, baka sa mga darating na taon may dalaga na ako. Wala na akong baby nito kapag naging dalaga ka na.

Ali: Naku, magdadrama na naman ang Papa ko.

Natatawa si Alex sa kanyang anak na kung magsalita ay daig pa ang matanda.

Ali: Ayusin nga po natin yang kwelyo ninyo, ang likot-likot niyo po kasi, nagugusot po tuloy.

Alex: Ayan na po, pasensya na po kayo at malikot masyado ang Ama ninyo.

Ali: Papa, proud na proud po ako sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now