Chapter 30

117 2 0
                                    

Natahimik sila sa sinabi ni Ali, lumapit naman si Alex sa kanyang Anak.

Alex: Tutulungan natin si Dave na makakita para makapag-aral siya ulit. 

Ali: Maraming salamat po, Papa. Halika, Andrei. Sabihin natin kay Dave ito, siguradong matutuwa siya kapag nalaman niyang ipapagamot na siya.

Andrei: Patatakbohin mo na naman ako?

Hinatak ni Ali si Andrei papalabas habang nakasunod ang mga security sa kanila. Napatingin naman ang mga madre kay Alex.

Alex: Pasensya na po kayo sa mga nasabi nang anak ko, ganyan po talaga siyang magsalita. Iniisip niya lage ang kapwa niya kesa sa kanyang sarili.

Madre 1: Wala po kayong dapat ihingi nang pasensya, pinagpala po kayo dahil sa inyong anak. Napakalaki nang kanyang pagmamahal hindi lang sa inyo kundi na rin sa kanyang kapwa, kaya mapapanatag kami kung kayo mismo ang isa sa mga taong makakapagbigay nang pagbabago sa bansang ito.

Madre 2: Sinusuportahan po namin kayo, Mr. Ledesma. Alam naming may munting anghel kayo sa inyong tabi kaya malaki ang tiwala namin sa inyo at panatag ang aming mga kalooban.

Alex: Maraming salamat po sa inyong tiwala at suporta.

Pauwi na silang mag-aama habang papunta sa kanilang mga sasakyan.

Anthony: Binabanatan ka talaga ni Vice President, bakit ba galit siya sayo?

Alex: Hindi ko na nga yan pinapansin, hindi naman totoo ang mga sinasabi niya tungkol sa akin. Ayaw niya lang na makapasok ako sa Senado kaya ginagawa niya ang lahat nang mga paninira sa akin.

Anthony: Baka may malaking gusto sayo? Marami ang nagsasabi dito na hiwalay kasi sa asawa kaya nagpapapansin sayo.

Alex: Tumahimik ka nga dyan at baka marinig ka nang mga bata.

Anthony: Mauna na nga pala kami ni Andrei at susunduin pa namin ang Mommy niya, may pupuntahan kasi kaming party ngayon.

Alex: Sige, salamat at sinamahan niyo kami dito.

Nagpaalam na sina Andrei sa kanila. Lumapit naman si Ali sa kanyang Ama habang kumakaway kay Andrei na nakasakay na nang sasakyan.

Alex: Anak, may itatanong sana ako sayo.

Ali: Ano po yon?

Alex: Bakit gusto mong tulongan si Dave?

Ali: Dahil po gusto ko siyang makapag-aral ulit at makabasa nang mga aklat na gusto niyang basahin. At makita niya ang napakagandang paligid na hindi niya man lang niya nakikita, napakabata pa niya para mabulag.

Alex: Alam mo ba ang ibang bata, magsasabi lang na naaawa sa kanya pero ikaw, galing mismo sa puso ang sagot mo kaya may malalim itong kahulugan. Minsan nga iniisip ko na anghel ang anak ko, dahil nalalaman mo kung sino ang mga nangangailangan nang tulong sa isang tingin mo pa lang.

Ali: Lumaki po ako na mahihirap ang mga kasama ko, nagtatrabaho sa bukid para may pangkain sila sa isang araw. Hindi po kasi madali ang buhay kaya dapat magsipag para may makain. Kaya nakakaawa po ang mga tulad ni Dave na may kapansanan, paano na po ang mga tulad nila? Hindi sila makakapagtrabaho para may makain at makabili nang kanilang mga gamot, marami po ang mga tulad ni Dave na gustong makapag-trabaho para sa kanilang mga pamilya.

Alex: Gusto mo ba mabigyan nang health assistance care ang mga tulad nilang mga person with disability?

Ali: Magagawa niyo po ba yon, Papa?

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now