Chapter 38

46 3 0
                                    

Nakahawak si Gabriel sa tagiliran niya habang papunta sa sasakyan at nasa likuran niya ang mga tauhan ni Ali. Pumasok siya sa sasakyan at nandoon naman si Ali habang nagbabasa nang speech nito. Nasa harapan naman si Dave na tinitingnan ang mga schedule nila.

Dave: Unang araw pa lang ninyong magkapatid pero mukhang napaaga ang suntokan ninyo. Ano kaya ang mangyayari sa araw na ito?

Ali: Malalaman natin kung ano pa ang gagawin nang magaling kong stepbrother.

Nagtawanan sila habang wala namang reaksyon si Gabriel. Dumating sila sa children's hospital at sinalubong si Ali nang maraming tao, tahimik naman si Gabriel na nakasunod lang sa kanya. Pagkatapos nang speech ni Ali at picture taking, umalis na sila kaagad para sa susunod na meeting.

Gabriel: Saan na naman ba tayo pupunta?

Ali: Tumahimik ka na lang at sumunod, makipag-plastikan ka na lang rin sa mga taong kaharap natin at wag mong ipapakita ang nakasimangot mong mukha.

Gabriel: I'm doing my best here.

Ali: No, you are not.

Matapos ang ilang meetings, nakatulog na si Gabriel sa sasakyan. Napatingin naman si Dave sa kaibigan habang nasa harapan si Ali nang laptop niya.

Dave: Takot naman pala sayo si Gabriel, sinusunod niya ang mga sinasabi mo. Hindi mo ba siya tinutukan nang baril kaya nagiging masunurin ito sayo?

Ali: Hindi pa naman, sinabi ko lang sa kanya na kapag hindi niya ako sinunod, makikita siya nang Mama niya na isa nang bangkay.

Natatawa sina Dave sa sinabi ni Ali, nagising naman si Gabriel na napatingin sa kanila.

Abel: Ali, mukhang may mga sumusunod sa atin.

Ali: Lumabas tayo sa highway, baka may mga madamay kapat nagpaputok nang baril ang mga yan. Sabihin niyo sa iba na maghanda at may gustong makipaglaro sa atin.

Gabriel: Anong nangyayari?

Kaagad inihanda ni Dave ang baril niya habang kinuha naman ni Ali ang baril niya saka tinakpan ang mukha, natatakot naman si Gabriel sa ginagawa nang mga kasama niya.

Gabriel: Ano ba talaga ang nangyayari?

Ali: Dumapa ka na lang kung ayaw mong matamaan nang ligaw na bala.

Gabriel: Ano?!!

Bigla silang pinagbabaril kaya kaagad na napadapa si Gabriel habang bumabaril si Ali sa mga nakasunod sa kanila. 

Ali: Itigil mo ang sasakyan.

Tumigil ang sasakyan saka bumaba si Ali na kinuha ang sniper rifle sa kanyang upuan, nagulat naman si Gabriel sa kanyang nasaksihan na ginagawa nang dalaga. Mabilis ang sasakyan na papunta sa kanila pero kalmado si Ali na binaril ito saka natamaan sa gas tank at sumabog.

Abel: Hindi nila kilala kung sino ang kinakalaban nila, akala nila siguro prensesa ang first daughter at natatakot sa baril.

Dave: Nakikita naman natin kung sino ang sumisigaw at natatakot.

Napatingin sila kay Gabriel na nakadapa habang natatakot sa nangyayari. Sa isang exclusive hotel, dumating si Vivian na napatingin sa mga taong naghihintay sa kanya.

Vivian: What seems to be the problem, Senator Hidalgo.

Napatingin sa kanya ang lalaking nakaupo sa unahan habang may binabasa.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now