Chapter 11

223 4 0
                                    

Masaya ang lahat sa birthday ni Ali na idinaos sa mansion nang mga Ledesma. Hindi makapaniwala si Ali na kasama niya ang kanyang Ama at ang dalawang pamilya na naging iisa dahil sa kanya. Sa kalagitnaan nang okasyon, dumating ang isang lalaki na may dalang bag. Nakikipag-usap naman si Miguel kay Mateo nang lumapit ang maid sa kanya.

Maid 1: Sir Miguel, may naghahanap po'ng lalaki sa inyo sa labas, sabi niya raw po kailangan niya raw kayong makausap.

Miguel: Nakikita mo namang araw ito nang apo ko, sabihin mong bumalik na lang siya bukas.

Maid 1: Opo Sir.

Umalis naman ang katulong para sabihin ito sa lalaki.

Mateo: Alalahanin mong araw ito ni Ali, hindi tayo maaaring makipag-usap tungkol sa mga business transactions natin. Hanggang dito sa bahay mo dinadala mo ang mga business meetings mo.

Miguel: Alam ko naman yon, kaya nga pinagsabihan na ako ni Camila na wag ko na raw dadalhin sa bahay ang mga ginagawa kong transactions lalo na kapag nandito si Ali.

Mateo: By the way, tuloy ba ang bakasyon natin sa beach resort ko ngayong semester break nang apo natin?

Miguel: Oo naman, excited na nga si Ali para makapag-swimming at nagpabili pa siya sa lola niya nang kanyang mga susoutin.

Nagtawanan ang dalawang matanda na napatingin sa kanilang apo na masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan. Sa labas nang mansion, naghihintay ang lalaki saka lumapit ang katulong sa kanya.

Maid 1: Hindi raw po pwedeng kausapin si Mr. Ledesma ngayon, dahil mahalaga sa kanila ang araw na ito para sa kanilang apo, bumalik na lang po kayo sa ibang araw.

Arman: Manang, mahalaga talaga ang sasabihin ko sa kanya. Sige na po, malayo pa po kasi ang pinanggalingan ko.

Narinig ni Alex ang sinabi nang lalaki na nagmamakaawa sa katulong kaya nilapitan niya ito.

Alex: Manang, may problema po ba?

Maid 1: Nagpupumilit po kasi siyang makausap si Mr. Ledesma pero ayaw po siya nitong kausapin, ayaw po niyang umalis dahil malayo pa raw ang pinanggalingan niya.

Alex: Ako na ang bahala sa kanya, bumalik ka na sa ginagawa mo.

Umalis ang katulong habang nakakaawa naman ang mukha nang lalaki habang may hawak na sulat, pamilyar kay Alex ang mukha nito.

Alex: Pasensya ka na kung hindi ka makakausap ni Mr. Ledesma, nakikita mo namang birthday nang nag-iisa niyang apo kaya mahalaga para sa kanya ang araw na ito.

Arman: Hindi naman po ako manggugulo dito, gusto ko lang po'ng makausap si Mr. Ledesma kahit sandali lang. Mahalaga po kasi ito kaya payagan niyo na po ako, Sir.

Alex: Actually, Mr. Ledesma rin naman ako. Pwede mong sabihin sa akin kung ano man ang gusto mong sabihin sa Ama ko.

Nagulat si Arman sa sinabi nang kaharap niyang lalaki at ngumiti ito sa kanya. Magaan ang pakiramdanm niya dito at nakikita niyang mabait ito. Lumapit si Fred kay Alex.

Fred: Excuse me po, Gov. Nadapa po kasi si Ali tapos bigla po'ng nagalit si Ma'am Camila sa mga kalaro nito.

Alex: Pakisamahan mo na muna siya sa kusina, Fred. Kakausapin ko siya mamaya, pumasok ka na muna at kumain, mukhang malayo pa kasi ang pinanggalingan mo. Ikaw na ang bahala sa kanya.

Fred: Yes Gov. Dito tayo.

Kaagad pinuntahan ni Alex ang ina na sisermonan ang mga batang kalaro ni Ali, nakaupo naman si Ali habang pinupunasan ang sugat niya sa braso.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now