Chapter 9

272 16 0
                                    

Sa bahay nina Tessa at Diego, nagliligpit na sila para makalipat sa kabilang bayan. Nakita ni Tessa ang isang mamahaling bag at may lamang pera. 

Tessa: Jessie? Saan nanggaling ang bag na 'to? Lalo na ang mga perang ito?

Hindi kaagad nakasagot ang batang babae sa tanong nang Ina niya.

Jessie: Napulot ko lang po sa basurahan, Nay.

Napatingin si Diego sa batang babae na nagsisinungaling sa kanilang harapan.

Diego: Jessie, wag kang magsisinungaling sa amin. Sabihin mo sa amin kung saan galing ang pera na yan at ang bag?! Alam mo ba'ng masama ang magsinungaling lalong-lalo na ang magnakaw?

Tessa: Diego, wag mo naman sigawan si Jessie. Anak, magsabi ka naman sa amin nang totoo. Saan galing ang mga perang ito? 

Napatingin si Jessie sa kanyang mga magulang na natatakot. Sa ospital, dumating si Miguel kasama si Mateo. Napatingin naman si Alex sa dalawang matanda.

Alex: Anak, may mga bisita ka.

Ngumiti si Ali sa dalawang matandang lalaki, lumapit naman si Mateo kay Ali.

Ali: Magandang umaga po sa inyo.

Mateo: Magandang umaga rin sayo, Ali. Ako nga pala si Mateo Mendoza, ang Ama nang Mama Pia mo. Nalaman kong itinago ka nang Mama mo sa aming lahat at ngayon lang rin nalaman nang Papa mo ang tungkol sayo. Ali, isa ako sa mga nagkasala sa mga magulang mo noon kaya hindi naging buo ang pamilya mo. At ako naman ang dahilan kung bakit muntik na kayong napahamak nang iyong Ama. Patawarin mo sana si Lolo Mateo kung naging makasarili ako, labis akong nasaktan sa pagkawala nang Mama Pia mo. Hindi ko man lang alam na may iniwan siyang alaala sa amin ni Alex.

Napapaluha si Mateo na nagpapaliwanag sa kanyang apo, hinawakan naman ni Ali ang kamay nang matanda saka ngumiti dito.

Ali: Lolo, wala po akong sinisisi sa inyong lahat sa mga nangyari noon. Kaya po siguro nangyari ang lahat nang yon noon para may matutunan kayo sa inyong mga pagkakamaling nagawa. Siguro po, may dahilan ang lahat nang ito kaya nangyayari po ito sa buhay natin. Hindi po ako galit sa inyo, masaya nga po ako at buo na muli ang pamilya natin. Hindi na po ba kayo galit kay Papa, Lolo?

Nagkatinginan sila sa batang babae dahil sa mga sinabi nito.

Mateo: Tapos na ang hidwaan nang dalawang pamilya, Ali. Ikaw ang mahalaga sa pamilyang ito at hindi ang mga kayamanan namin o mga ari-arian.

Ali: Maraming salamat po, Lolo.

Masaya naman si Mateo na marinig iyon sa kanyang apo, napatingin naman si Alex sa anak na masayang makausap ang Lolo nito. Pumasok si Fred at may sinabi kay Miguel, napansin naman ni Alex na napatingin si Fred at Miguel sa kanya.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now