Chapter 22

110 3 0
                                    

Bumalik si Arman sa living room nang marinig niya ang pinag-usapan ni Camila at nang sariling Ama. Nasa loob naman nang kwarto si Ali at nagpapahinga, sinabi ni Arman kay Alex ang binabalak gawin nang kanilang Ama.

Alex: Pinapaniwala niya si Mama hanggang ngayon, talagang wala nang pag-asa para mapabago pa ang Ama natin, Arman.

Arman: Kuya, anong gagawin natin para mapigilan si Papa? Hindi na tama ang ginagawa niya, baka madamay pa si Ali sa gulong ito.

Alex: Aalamin natin kung anong gagawin ni Papa saka tayo may gagawin, hindi mo pa alam kung paano magalit ang sarili nating Ama kaya kinakailangan nating mag-ingat.

Arman: Bakit Kuya? Kaya ba niya tayong saktan kahit na mga anak niya?

Alex: Nang dahil sa kanya, nailayo sa akin ang mag-ina ko. Mas mahalaga para sa kanya ang pera at pangalan niya kesa sa sarili niyang kadugo.

Natahimik si Arman sa sinabi ni Alex. Papunta si Alex sa kwarto nilang mag-ama at naabotan niya si Miguel na umiinum nang alak habang malalim ang iniisip.

Alex: Sinabi mo na ba kay Mama kung ano ang nangyari kanina?

Miguel: Kailangan niya pa nang ilang araw para matanggap ang katotohanan, pabayaan mo muna kaming pag-usapan ang mga nangyayari.

Alex: Dad, tapusin niyo na ang problemang ito. Kung gusto mo tutulongan kita para kausapin si Mommy.

Miguel: I know what I'm doing, Alex! Asikasohin mo na lang si Ali at ang pagiging Senador mo, kinakailangan na makapasok ka sa Senado ngayong eleksyon. Ako na ang bahala sa problemang ito.

Alex: Kapag may ginawa kayo, tandaan ninyong ako na ang makakalaban ninyo.

Kaagad umalis si Alex at napatingin naman si Miguel sa kanya at itinapon ang alak na masama ang loob saka kinuha ang phone na may tinawagan.

Miguel: Dick! Kailangan ko kayo, ngayon din mismo! May ipapaligpit ako sa inyo!

Bumalik naman sa probinsya sina Alex kinabukasan. Papunta si Arman sa tindahan nang napansin niya ang isang babae na natutulog sa tabi nang kalye, nakilala niya kaagad ito.

Arman: Sarah? 

Nagising ang babae na natakot kaagad sa kanya, tatakbo sana ito pero pinigilan niya ito.

Sarah: Bitawan mo ako! Hindi naman ako nandito para manggulo, nakatulog lang ako sa pagod ko. Kaya padaanin mo na ako para makaalis na ako dito.

Arman: Bakit nandito ka sa kalye natutulog at dala mo pa ang mga gamit mo?

Sarah: Simula nang nalaman nang lahat ang ginawa ko sa opisina nang Governor, wala nang tumanggap sa akin nang trabaho at halos nilalayuan na ako nang mga kaibigan ko. Naubos ko na rin ang inipon ko para makapaghanap nang trabaho, hindi ko na nga alam kung saan ako pupunta, naging palaboy na ako nang ilang araw dito sa daan.

Arman: Ano ba kasi ang pumasok sa isipan mo para maghubad sa opisina nang Governor? Ayaw na nitong makapag-asawa, hindi niya maaaring palitan ang ina nang kanyang anak sa kanyang puso. Kaya kahit na anong gawin nang mga nagkakagusto sa kanya, maghubad man ito o kahit na magpakita nang malisya, hindi niya talaga ito papansinin. Alam mo, nakakaawa ka. Sinayang mo yong trabaho mo at ang buo mong pagkatao.

Napaiyak si Sarah sa mga sinabi ni Arman sa kanya.

Sarah: Hindi ko na yon uulitin. Patawarin mo sana ako, Arman.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now