Chapter 13

234 6 0
                                    

Ginagamot ni Camila ang pasa ni Ali sa balikat na kinurot nang lalaking nakabangga nito, dumating naman si Alex na nag-aalala sa anak niya.

Alex: Anak? Ayos ka lang ba? Ano pa ang ginawa nang lalaking yon sayo?

Ali: Kaunting pasa lang naman po ito eh, dapat ako pa ang nagtatanong sa inyo kung anong ginawa ninyo sa lalaking yon. Hindi pa naman kayo nagpapatawad kaagad kapag may nanakit sa akin atsaka naiintindihan ko naman po siya kasi nakikita ko sa kanya na mukhang malaki ang problema niya.

Camila: Ikaw na nga ang sinaktan, ipinagtatanggol mo pa ang nanakit sayo. Mag-usap na muna kayong mag-ama at pupuntahan ko na muna ang dalawang matanda sa labas.

Umalis si Camila doon at napansin naman ni Ali na masama pa rin ang loob nang Ama niya habang tinitingnan ang pasa niya sa balikat. 

Ali: Papa, wag na po kayong magalit. Naranasan ko na po ang kahit na anong kurot, mahina lang naman po ang ginawa nang lalaking yon kumpara sa mga kurot ni Nanay Tessa sa akin noon.

Alex: Alam mo namang ayaw kong sinasaktan ka nang kahit sino. Kaya nga kita pinuprotektahan, di ba nga nangako ako sa Mama mo na puprotektahan kita at hindi na pinapabayaan? Alam kong marami ka nang naranasan pero Anak, alam mong hindi ako sanay na nakikita kang sinasaktan o kapag nalaman kong may nananakit sayo.

Ali: Alam ko naman po yon, Papa. Pero hindi naman po natin maiiwasan na masaktan ako, kaya ko naman po ang sarili ko, kaya wag na po kayong magalit.

Alex: Maintindihan mo sana ako, Anak. Mahal na mahal kita, kaya ko ito sinasabi sayo ngayon. Hindi naman ako nagagalit sayo, nag-aalala lang ako.

Napayakap si Ali sa kanyang Ama, hinalikan naman ni Alex ang noo nang kanyang anak.

Ali: Papa, wala po ba talaga kayong ginawa sa lalaking yon?

Alex: Bakit mo ba tinatanong ang bagay na yan?

Ali: Alam ko po kasi na hindi kayo makakatulog hangga't hindi kayo nakakaganti sa kalaban ninyo lalo na kapag nasasaktan ako.

Alex: Binuhusan ko lang siya nang juice, kaunti lang naman ang binasa mo sa kanya kaya dinagdagan ko pa.

Natatawa si Ali sa sinabi nang kanyang Ama.

Ali: Papa talaga, alam niyo po ba'ng masama po yon?

Alex: Masama kung wala namang kasalanan ang tao sayo pero sinaktan niya kasi ang pinakamamahal ko kaya nababagay lang yon sa kanya. Sigurado ka ba'ng hindi ka niya sinampal o kahit na ano? Bakit mo ba ipinagtatanggol ang mga masasamang tao na tulad niya?

Ali: Nakakaawa po kasi sila lalo na kapag kayo na ang kalaban nila.

Alex: Masama ba'ng magalit ang Ama mo?

Tumawa lang si Ali sa tanong nang Ama niya, hindi iniwan ni Alex ang anak hanggang makabalik na sila sa kanilang bahay. Kinaumagahan, kararating ni Alex sa kanyang opisina at naghihintay ang napakarami niyang gagawin.

Luis: Sir, nag-leave po si Beth kanina kasi nasa ospital ang anak niya. Kailangan pa naman po nang tulong ni Clara sa mga papeles, kukuha po ba tayo nang assistant niya?

Alex: Sige, kayo na lang mag-hanap nang magiging assistant ni Clara. Sabihin mo rin sa kanila na magiging aide ko si Arman dito sa opisina ko.

Luis: Naayos na po ni Fred ang bagay na yan, kailangan na lamang po ni Arman na kompletohin ang mga requirements niya para makapagsimula bukas.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now