Chapter 10

299 5 0
                                    

Sa rest house kung saan nagtatago si Elena, dumating ang mga armadong kalalakihan. Napansin naman ni Lucia na pinuntahan nang kanyang ina ang mga lalaki.

Elena: Nailigpit niyo ba ang mga baril ninyo? Siguraduhin niyo lang na hindi yan makikita sa mga check point, nakakalat ngayon ang mga tauhan ni Alex kaya kailangan nating mag-ingat.

Lalaki 1: Hindi na po nila makikita ang mga baril sa sasakyan, nakahanda na rin po ang mga tauhan natin sa labas nang probinsya at nakahanda na rin sila sa ipag-uutos ninyo.

Elena: Sigurado rin ba kayong nandoon lang ang bata? At walang sino man ang nagbabantay sa kanya maliban na lang sa pamilyang nagtatago sa kanya?

Lalaki 2: Opo Ma'am. Sila lang po doon at walang mga tauhan ni Governor.

Elena: Good, kinakailangan na mawala ang batang yon. Tayo na!

Kaagad na umalis sina Elena para puntahan ang kinaroroonan ni Ali, kinuha ni Lucia ang phone para tawagan ang kanyang lolo.

Lucia: Lolo? Lolo! Si Mommy po, pupuntahan niya si Ali! Alam niya kung nasaan ito ngayon! Kunin niyo rin po ako dito sa rest house na pinagtataguan ni Mommy.

Palabas na si Alex sa mansion nang matanggap ang tawag ni Mateo.

Alex: Sigurado kayo? Sige po, pupunta po ako kaagad doon. Fred! Kailangan nating puntahan ang anak ko, alam na ni Elena kung nasaan si Ali. Sasama sa atin ang mga tauhan ni Mateo, sumunod kayo kaagad sa amin.

Fred: Sige po, Sir.

Sa kinaroroonan naman nina Ali, bumibili sila ni Joshua at Jessie nang mga makakain sa tindahan. Wala namang gana si Ali na nakatingin sa mga taong dumadaan.

Joshua: Ate Ali, dagdagan mo naman ang mga pagkain mo. Ang dami na nga nang akin pero sayo kaunti lang. Ano pa ang gusto mo dito?

Ali: Ayos na sa akin ito, Josh. Dagdagan mo pa ang sayo baka kasi mamaya gugutomin ka na naman, wala kasi akong ganang kumain.

Napatingin si Jessie kay Ali na malungkot pa rin.

Jessie: Ali, galit ka ba talaga sa Ama mo hanggang ngayon? Alam mo, napakabait nga ni Tito Alex sa pamilya namin. Kahit na ilang beses ka nang sinasaktan ni Nanay noon, pinatawad niya pa rin ito at sa amin ka pa rin niya iniwan. Malaki rin ang naging kasalanan ko sayo dahil kung hindi ko sinabi sa masamang babaeng yon ang tungkol sayo, hindi sana kayo nagkahiwalay nang Ama mo. Patawarin mo ako, Ali.

Ali: Walang kang kasalanan, Jessie. Dapat kami pa ang magpasalamat sa inyo, malaki na ang naitutulong ninyo sa pamilya namin. Pasensya na kayo at nadadamay kayo sa kaguluhan nang pamilya namin.

Joshua: Pero Ate Ali, di ba po masama ang nagtatanim nang galit sa kapwa mo lalo na sa mga magulang natin? Sabi nga po ni Tatay, ginagawa lamang ni Tito Alex ito para mailigtas ang buhay mo at mailayo ka sa kapahamakan. Hindi mo ba yon naiintindihan, Ate Ali?

Napatingin si Ali sa batang lalaki na tama ang mga sinasabi nito. Napansin ni Jessie ang mga paparating na sasakyan at nakita niya mismo si Elena.

Jessie: Ali!! Dumarating yong babaeng gusto kang patayin! Tumakbo ka na!! Bilisan mo!! Ililigaw namin sila ni Joshua!

Ali: Saan ako pupunta? Hindi ko alam kung saan ako pupunta!

Jessie: Sa batis!! Yong lugar na itinuro ni Tatay sa atin, sige na!! Magtago ka doon!!

Napatakbo ang dalawang bata na napansin nang mga tauhan ni Elena. Napatakbo naman si Ali papunta sa gubat, hinabol naman siya kaagad doon nang mga tauhan ni Elena.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now