Chapter 20

104 2 0
                                    

Lumapit ang isang lalaki kay Ali na tatalian siya pero pinigilan ito ni Reb.

Reb: Ano ba?! Bata tapos itatali mo? Hindi naman siya tatakbo, tahimik lang nga siya dito at hindi naman siya maingay.

Lalaki 1: Kapag nakatakas yan, ikaw ang mananagot!

Umalis ang lalaki na hindi pumalag kay Reb, nag-iinuman ang mga kasamahan niya habang nagpaplano sa kanilang pagtakas. Lumapit siya kay Ali na hindi napapansin nang mga kasamahan.

Reb: Sabihin mo sa kanila na gusto mong mag-CR at sumasakit ang tiyan mo.

Ali: Bakit po?

Reb: Basta, sundin mo na lang ang sinasabi ko.

Ali: Pwede po ba akong mag-CR? Masakit po kasi ang tiyan ko.

Lalaki 2: Reb, samahan mo nga yan sa kapit-bahay dyan sa tapat. Kung walang tao, pumasok lang kayo. Wag mong hayaan na makatakas yan.

Reb: Ako na ang bahala sa kanya. Halika na.

Palabas na sana sina Reb at Ali nang mapansin nilang marami nang nakapaligid sa lugar.

Ali: Tito, ano po'ng gagawin natin?

Reb: Kapag nagkaputukan, magtago ka kaagad sa akin. Wag kang matatakot, hindi kita pababayaan at wag kang aalis sa tabi ko hanggang makaligtas tayo.

Kinuha ni Reb ang baril niya saka dumaan sa ibang pintuan, kaagad na nagtago sila ni Ali sa mga drum nang tubig. Napansin ni Ali ang sariling Ama na kasama ang mga pulis at ilang sundalo. Lumabas ang isang lalaki sa bahay at napansin nitong napapaligiran na sila, kaya lumaban ang mga ito sa mga pulis at sundalo na kasama ni Alex. Niyayakap naman ni Reb si Ali para hindi matamaan nang bala.

Lalaki 1: Nasaan si Reb at ang bata?!

Lalaki 2: Nandoon sila sa kabila!

Napansin ni Reb ang mga kasamahan niya kaya kaagad niyang itinakas si Ali. Naghabulan naman sila sa loob nang squater area. Nagmamadali si Reb at Ali para makatakas sa mga taong humahabol sa kanila, nakikipagbarilan naman ang mga ito sa ilang tauhan ni Alex.

Alex: May mga tao ba kayo sa mga exit point?

Sundalo 1: Yes, Gov. Nakahanda na po sila kapag papunta na ang mga lalaking ito sa gubat, hindi po sila makakalusot doon.

Nakipagbarilan ang mga tauhan ni Alex sa mga armadong lalaki at may ilan na natamaan nang mga ito. Nagmamadali naman si Reb na maitakas si Ali sa mga kasamahan niya.

Reb: Ayos ka lang ba?

Ali: Opo, napapagod na po ako sa kakatakbo natin. Malayo na po ba tayo sa kanila?

Reb: Hindi ko rin alam eh, tumahimik kasi ang lugar. Dito ka lang, babalikan kita. Titingnan ko lang ang paligid kong ligtas na tayo.

Lumabas si Reb para tingnan ang paligid pero bigla siyang tinutukan nang baril nang mga kasamahan niya saka siya sinuntok nang mga ito.

Lalaki 1: Pinahirapan mo pa kami! Nasaan ang bata?!

Reb: Ibinalik ko na siya sa Ama niya!

Lalaki 2: Hanapin natin baka nagtatago lang yon sa paligid. Anong gagawin natin dito?

Lalaki 3: Ano ba ang ginagawa sa mga traydor na tulad niya?

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now