Chapter 25

105 2 0
                                    

Nasa office room si Alex habang inaayos ang kanyang mga dokumento para sa pag-alis niya bilang Gobernador nang Sevilla. Pumasok si Arman at Luis doon, napatingin naman si Alex sa kanyang kapatid na kararating lang galing sa probinsya.

Alex: Kailan ka pa dumating?

Arman: Kanina lang, Kuya. Nagkakwentohan pa kasi kami ni Ali sa labas dahil pinabibigay nang Teacher niya ang program para sa recognition nila, siguradong mapapagod kayo sa kakalagay nang mga medals kay Ali.

Luis: First honor ba si Ali?

Arman: Wag ka nga'ng maingay at ayaw ni Ali na nauunahan siya sa Papa niya.

Luis: Kahit hindi mo sabihin, obvious naman na first honor si Ali. Ang galing niya kaya sa school at lageng champion sa mga competition.

Natatawa naman si Alex sa dalawang lalaki na nagtatalo, pumasok si Ali sa opisina nang Ama na lumapit kaagad dito.

Ali: Papa, may ipapakita po ako sa inyo.

Alex: Mukhang alam ko na yata kung anong ipapakita mo.

Napatingin naman si Ali kay Arman at Luis na parehong iniwasan ang mga tingin niya.

Ali: Nakakainis naman kayo, Tito Arman. Bakit mo sinabi kaagad kay Papa?

Arman: Wala naman akong sinasabi sa Papa mo, may sinasabi ba ako?

Luis: Sinabi mo lang naman kay Sir Alex na mapapagod siya sa kakalagay nang medal kay Ali sa recognition nito.

Ngumiti si Arman kay Ali na nakasimangot sa kanya.

Arman: May pinabibigay rin pala si Teacher Anna kay Reb, maiwan na muna namin kayo.

Kaagad umalis sina Arman sa opisina, napaupo naman si Ali na nakasimangot ang mukha habang hawak ang program nila. Lumapit naman si Alex sa anak niya.

Alex: Nasaan na yong ipapakita mo sa akin?

Ali: Alam na po ninyo kung ano yong surprise ko sa inyo eh.

Alex: Ang alam ko lang naman na marami kang medals, ano ba ang surprise mo para sa akin?

Ipinakita ni Ali ang program nila sa school at halos sa isang page nang program ay mga awards niya at siya rin ang First Honor.

Ali: Papa, para po sa inyo ang mga awards na 'to, para po sa inyo ni Mama Pia.

Napatingin si Alex sa kanyang anak na ngumiti sa kanya, niyakap ni Alex niya naman ito.

Alex: Ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa boung buhay ko, Anak. Maraming salamat, Ali. Manglilibre na ba ako ngayon nang ice cream sa inyo nang security force?

Ali: Opo! Usapan po natin yon, di ba?

Nagtawanan silang mag-ama na napatingin sa program.

Alex: Ang dami nito, mukhang kailangan kong mag-warm up nang mga kamay ko bago ko mailagay ang mga medals mo.

Namamasyal silang mag-ama sa malaking mall habang nakasunod ang mga security sa kanila, marami namang tao ang gustong makalapit sa mag-ama pero pinipigilan sila nang mga security at ilang pulis na nagbabantay sa seguridad nang paligid. Kumakain nang ice cream si Ali habang katabi niya si Arman at Reb.

Ali: Tito Reb, bakit po hindi kumakain sina Tito Luis?

Reb: Hindi pa kasi sila nagugutom kaya sa bahay na sila kakain, binilhan naman sila ni Sir Alex nang mas malaking ice cream.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now