Chapter 27

99 1 0
                                    

Nalalapit na ang eleksyon at naghahanda na rin si Alex kasama ang kanyang mga tauhan para sa kampanya. Lumabas si Alex sa office room niya at lumapit kay Ali na nagbabasa nang aklat.

Alex: Nak, may susunduin tayo sa airport ngayon.

Ali: Sino po?

Sa airport, naghihintay silang mag-ama sa kotse habang sina Reb at Arman ang naghihintay sa labas. Binuksan ang pintuan nang sasakyan at nagulat si Ali nang makita si Lucia na masaya siyang makita.

Ali: Lucia!

Lucia: Ali! I missed you so much, Cousin!

Masayang nagkita ang mag-pinsan na nagyakapan.

Lucia: Tito Alex, salamat nga po pala sa pagpapatuloy ninyo sa akin. Gusto kasi ni Daddy na makapagbakasyon ako dito, kalilibing lang kasi ni Lolo Mateo.

Alex: Walang anuman yon, mabuti nga at may kasama naman si Ali habang marami pa akong inaasikaso. How's your trip?

Lucia: It's fine naman po, Tito. Nagugutom na nga po ako eh, hindi kasi ako nakakain sa airplane. Ali, sorry kung hindi kita sinabihan na uuwi ako.

Ali: Ayos lang yon, nasurpresa nga ako ni Papa.

Alex: Kumain na muna tayo para makapaglaro na kayong mag-pinsan.

Naglalaro ang mag-pinsan malapit sa pool, dumating naman doon si Cindy na lumapit kaagad sa kanila. Natigilan naman si Lucia nang makita ang kaklase nila.

Cindy: Lucia Sobel? Anong ginagawa mo dito?

Lucia: I'm visiting my cousin, what it looks like?

Cindy: Don't you dare speak to me with your accent, it's so annoying.

Ali: Cindy, wag mo namang awayin si Lucia. Pinsan ko pa naman siya atsaka nandito siya para magbakasyon, kamamatay lang nga nang Lolo namin.

Lucia: Hayaan mo na siya, Ali. Alam ko naman na ayaw niya sa akin kahit noong magkaklase pa kami, wala naman akong ginagawa sa kanya.

Dumating naman si Andrei na bumati sa kanilang tatlo.

Andrei: May mga bisita ka pala, Ali?

Ali: Si Lucia, pinsan ko siya at si Cindy, kaklase ko. Nagtatrabaho na kasi ang Mama ni Cindy sa Papa ko kaya palage na si Cindy dito, si Lucia naman nagbabakasyon dito. Ito naman si Andrei, kaibigan ko siya at matagal nang magkakilala ang mga magulang namin.

Cindy: Ikaw ang anak ni Mayor Ria na tatakbong Governor sa Sevilla?

Andrei: Ako nga, paano mo ako nakilala?

Cindy: Taga-Sevilla rin kasi ako.

Lucia: Ali, marami na tayo, makakapaglaro na tayo nang habulan.

Andrei: Magaling ako dyan. Sino ang taya?

Naglaro silang apat malapit sa pool nang habulan at si Cindy ang taya sa kanila. Malapit sa pool si Lucia kaya nang maitulak siya ni Cindy, nahulog ito sa pool.

Ali: Lucia!

Lucia: Hindi ako marunong lumangoy! Tulong!

Hindi naman nagdalawang-isip si Ali na iligtas ang pinsan. Napatakbo si Reb sa pool at tinulungan si Ali para maiahon si Lucia sa tubig. Naabotan naman ni Alex si Reb at Ali na nasa pool habang tinutulungan si Lucia na maka-akyat.

You'll be in my HeartWhere stories live. Discover now